Add parallel Print Page Options

Nakaugalian na ng kanyang mga anak na lalaki na hali-haliling magdaos ng handaan sa kani-kanilang bahay at inaanyayahan nila ang mga kapatid nilang babae. Tuwing matatapos ang ganoong handaan, ipinapatawag ni Job ang kanyang mga anak para sa isang rituwal. Maagang bumabangon si Job kinabukasan upang mag-alay sa Diyos ng handog na sinusunog para sa kanyang mga anak dahil baka lihim na nilalapastangan ng mga ito ang Diyos at sila'y magkasala.

Dumating(A) ang araw na ang mga anak ng Diyos[a] ay humarap kay Yahweh at naroon din si Satanas.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 mga anak ng Diyos: o kaya'y mga nilalang mula sa langit .
  2. 6 Satanas: o kaya'y ang Tagapagparatang .