Add parallel Print Page Options

16 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (A)Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.

17 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (B)Ang mga Caldeo ay nagtatlong (C)pulutong, at dumaluhong sa mga kamelyo, at pinagdadala, oo, at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.

18 Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, (D)Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay:

Read full chapter