Add parallel Print Page Options

Ang manghihiganti ay malapit.

14 Bakit tayo'y nagsisitigil na nakaupo? (A)kayo'y magkatipon, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan, at tayo'y magsitahimik doon; sapagka't tayo'y pinatahimik ng Panginoon nating Dios, at (B)binigyan tayo ng inuming mapait upang inumin, sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon.

15 Tayo'y nangaghihintay ng kapayapaan, (C)nguni't walang dumating na mabuti; at ng panahon ng kagalingan, at narito panglulupaypay!

16 Ang singasing ng kaniyang mga kabayo (D)ay naririnig mula sa Dan: sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain; sapagka't sila'y nagsidating, at nilamon ang lupain at lahat ng naroon; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon.

Read full chapter