Add parallel Print Page Options

19 (A)Iyong pakinggan, Oh lupa: (B)narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, (C)na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka't sila'y hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil.

20 (D)Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin (E)ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? (F)ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (G)Narito, ako'y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay.

Read full chapter