Add parallel Print Page Options

19 At ang mga saro, at ang mga apuyan, at ang mga mankok, at ang mga palayok, at ang mga kandelero, at ang mga kuchara, at ang mga tasa—ang ginto sa ginto, at ang pilak sa pilak—dinala ng kapitan ng bantay.

20 Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon—ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang.

21 At tungkol sa mga haligi, ang (A)taas ng isang haligi ay labing walong siko; at isang pisi na labing dalawang siko ay naililibid doon; at ang kapal niyao'y apat na daliri: may guwang.

Read full chapter