Add parallel Print Page Options

15 Pagkatapos ay dinalang-bihag ni Nebuzaradan na pinuno ng bantay ang ilan sa pinakadukha sa bayan at ang nalabi sa mga tao na naiwan sa lunsod at ang mga takas na tumakas patungo sa hari ng Babilonia, kasama ng nalabi sa mga manggagawa.

16 Ngunit iniwan ni Nebuzaradan na kapitan ng bantay ang ilan sa mga pinakadukha sa lupain upang maging tagapag-alaga ng ubasan at mga magbubukid.

17 At(A) ang mga haliging tanso na nasa bahay ng Panginoon, ang mga tuntungan, at ang dagat-dagatang tanso na nasa bahay ng Panginoon, ay pinagputul-putol ng mga Caldeo, at dinala ang lahat ng tanso sa Babilonia.

Read full chapter