Jeremias 51
Magandang Balita Biblia
Karagdagang Parusa sa Babilonia
51 Sinabi ni Yahweh, “Makinig kayo, magpapadala ako ng isang tagapagwasak ng Babilonia at ng mga hukbo nito. 2 Magsusugo ako sa Babilonia ng mga dayuhang wawasak dito na tulad sa malakas na hanging tumatangay sa ipa. Sa araw na iyon ng kanyang kapahamakan, iiwan nilang walang laman ang lupain paglusob nila mula sa lahat ng panig. 3 Huwag ninyong hayaang mahatak ng mamamana ang kanyang busog, o maisuot ang kanyang kasuotang pandigma. Huwag ninyong paliligtasin ang sinuman sa mga binata; lipulin ninyo ang lahat ng kawal. 4 Bayaan ninyong mahandusay sila sa lansangan ng Babilonia; patay at mga sugatan sa gitna ng lansangan. 5 Sapagkat ang Israel at ang Juda ay hindi pinabayaan ng kanilang Diyos na si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat; subalit ang lupain nila ay punô ng kasalanan laban sa Banal na Diyos ng Israel. 6 Takasan ninyo ang Babilonia, iligtas ninyo ang inyong sarili, kung hindi'y makakasama kayo sa pagpaparusa sa kanyang kasalanan; sapagkat ito'y panahon ng paghihiganti ni Yahweh, at ipalalasap sa kanya ang ganap niyang kaparusahan. 7 Ang(A) Babilonia ay isang gintong kopa sa kamay ni Yahweh, upang lasingin ang buong sanlibutan. Ininom ng mga bansa ang kanyang alak, kaya sila'y nalasing. 8 Bigla ang pagbagsak at pagkasira ng Babilonia. Iyakan ninyo siya. Kumuha kayo ng panlunas para sa kanyang sugat; baka siya'y gumaling pa. 9 Gagamutin(B) sana namin ang Babilonia, ngunit huli na ang lahat. Iwan na natin siya at magsiuwian na tayo sa ating mga bayan; sapagkat abot na hanggang langit ang kanyang kapahamakan.”
10 Tayo'y pinawalang-sala ni Yahweh; halikayo, ipahayag natin sa Zion ang ginawa ng ating Diyos.
11 Ihasa ang mga pana, ihanda ang mga kalasag.
Ginising ni Yahweh ang damdamin ng mga hari ng Media sapagkat balak niyang wasakin ang Babilonia, bilang paghihiganti ni Yahweh dahil sa pagwasak sa kanyang Templo. 12 Itaas ninyo ang watawat laban sa mga kuta ng Babilonia. Higpitan ninyo ang pagbabantay; magtakda kayo ng mga bantay. Humanda kayong sumalakay, sapagkat binalak at ginawa ni Yahweh ang sinabi niya tungkol sa Babilonia. 13 Kayong(C) naninirahan sa tabi ng maraming ilog, na sagana sa kayamanan, dumating na ang inyong wakas; tiyak na ang inyong kasasapitan. 14 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay sumumpa; ang sabi niya: “Ang Babilonia ay ipasasalakay ko sa makapal na tao tulad ng mga umaatakeng balang; at isisigaw nila ang tagumpay laban sa iyo.”
Awit ng Pagpupuri
15 Ang Diyos ang lumikha ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
Inayos niya ang daigdig ayon sa kanyang karunungan;
iniladlad niya ang mga langit ayon sa kanyang kaunawaan.
16 Sa dagundong ng kanyang tinig, umuugong ang tubig sa kalangitan;
pinaiilanlang niya ang mga hamog mula sa mga sulok ng sanlibutan.
Pinakikislap niya ang mga kidlat sa gitna ng ulan,
at pinalalabas niya sa taguan ang mga hangin.
17 Sa ganitong kalagayan ay magiging mangmang at walang kaalaman ang lahat ng tao.
Bawat panday ay inilalagay sa kahihiyan ng nililok niyang diyus-diyosan;
sapagkat hindi tunay na diyos at walang buhay ang kanyang ginawa.
18 Walang kabuluhan ang mga iyon, at dapat sumpain
malilipol sila pagdating ng araw ng pagpaparusa sa kanila.
19 Ang Diyos ni Jacob ay hindi gaya ng mga ito;
sapagkat siya ang lumikha ng lahat,
at ang Israel ang hinirang niya;
Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang pangalan niya.
Ang Martilyo ni Yahweh
20 Ikaw ang aking martilyo at sandatang pandigma;
sa pamamagitan mo'y dudurugin ko ang mga bansa;
sa pamamagitan mo'y ibabagsak ko ang mga kaharian.
21 Sa pamamagitan mo'y aking wawasakin ang mga hukbong nakakabayo,
at ang mga hukbong nakakarwahe,
22 ang lalaki at ang babae,
ang bata at ang matanda,
ang binata at ang dalaga,
23 ang pastol at ang kawan,
ang magsasaka at ang katulong na mga baka,
ang mga tagapamahala at ang mga kinatawan.
Ang Parusa sa Babilonia
24 “Paparusahan ko sa harap ninyo ang Babilonia at ang mga mamamayan nito dahil sa mga kasamaang ginawa niya sa Zion,” sabi ni Yahweh. 25 “Ako'y galit sa iyo, ikaw na mapangwasak na bundok. Winasak mo ang buong sanlibutan. Paparusahan kita. Gugulong kang pababa mula sa kabatuhan, at gagawin kitang bundok na tinupok. 26 Walang batong makukuha sa iyo upang gawing panulok, o kaya'y pundasyon. Sa halip, mananatili kang wasak habang panahon. 27 Itaas ninyo sa lupain ang isang bandila, iparinig ninyo sa mga bansa ang pag-ihip ng trumpeta. Pahandain ang mga bansa para digmain siya; tawagin ang mga kahariang laban sa kanya—ang Ararat, ang Mini at ang Askenaz. Pumili kayo ng pinuno laban sa kanya, magpadala kayo ng mga kabayo na kasindami ng mga uod na nagiging balang. 28 Humanda sa paglaban sa kanya ang mga bansa, ang mga hari sa Medo, kasama ang kanilang mga pinuno't kinatawan, at ang bawat lupaing nasasakupan nila. 29 Nanginginig at namimilipit sa sakit ang lupain, sapagkat hindi nagbabago ang pasya ni Yahweh laban sa Babilonia. Sisirain niya ang lupaing ito; wala nang maninirahan dito. 30 Tumigil na sa pakikipaglaban ang mga mandirigma ng Babilonia, at nanatili sa kanilang kuta. Sila'y pinanghinaan na ng loob na parang mga babae. Sinunog na ang kanilang mga tahanan, nawasak na ang kanilang mga pintuan. 31 Nagkakasalubong sa pagtakbo ang mga inutusan. Sinasalubong ng isang sugo ang kanyang kapwa sugo. Sasabihin nila sa hari ng Babilonia na nasakop na ang lahat ng panig ng kanyang lunsod. 32 Naagaw ang mga tawiran. Sinunog ang mga kuta. Sindak na sindak ang mga kawal. 33 Ang Babilonia ay parang giikang niyayapakan. Sandali na lamang at darating na ang panahon ng pag-ani sa kanya.”
34 Ang Jerusalem ay kinatay at nilamon ng Babilonia. Ginawa niya itong parang sisidlang walang laman. Para siyang dambuhala at ako'y nilulon. Kinuha ang magustuhan at itinapon ang iba. 35 Sabihin ninyong mga taga-Zion, “Mangyari sa Babilonia ang karahasang ginawa niya sa amin.” Sabihin naman ninyong mga taga-Jerusalem, “Pananagutan niya ang paghihirap na tiniis namin.”
Tutulungan ni Yahweh ang Israel
36 Kaya sinabi ni Yahweh sa Jerusalem, “Ipagtatanggol kita at ipaghihiganti. Tutuyuin ko ang kanyang dagat at bukal. 37 Wawasakin ko ang Babilonia. Ito'y gagawing tirahan na lang ng mga asong-gubat, magiging isang katatakutan at tampulan ng paghamak. Wala na ring maninirahan doon. 38 Sila'y uungal na parang mga leon. 39 At dahil sila'y mga ganid, ipaghahanda ko sila ng isang handaan, at lalasingin ko, hanggang mawalan sila ng malay; mahimbing sa pagtulog habang panahon, at hindi na magising.” 40 Dadalhin ko silang gaya ng mga tupang patungo sa katayan, at gaya rin ng mga lalaking tupa at barakong kambing.
Ang Pagkawasak ng Babilonia
41 “Nasakop ang Babilonia, naagaw ang lupaing hinahangaan ng buong sanlibutan. Nakakapangilabot tingnan ang kinasapitan niya! 42 Tumaas ang tubig ng dagat at natabunan ng nagngangalit na alon ang Babilonia. 43 Kinatakutan ang kanyang mga lunsod. Natuyo ang kanyang lupain na parang disyerto; ayaw panirahan, o daanan man ng sinumang tao. 44 Paparusahan ko si Bel, ang diyos ng Babilonia, at dudukutin sa kanyang bibig ang mga nalulon niya. Hindi na siya pupuntahan ng mga bansa. Bumagsak na ang pader ng Babilonia. 45 Bayan ko, lisanin ninyo siya! Iligtas ng bawat isa ang kanyang sarili mula sa matinding galit ni Yahweh! 46 Huwag manghina ang inyong loob, at huwag kayong matakot sa balitang kumakalat sa lupain; may mapapabalita sa loob ng isang taon, iba't iba bawat taon. Balita tungkol sa karahasan o mga pinuno laban sa pinuno. 47 Kaya darating ang panahon na paparusahan ko ang mga diyus-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang buong lupaing ito, at mapapatay ang lahat ng mamamayan niya. 48 Kung(D) magkagayon, ang langit at ang lupa at lahat ng naroroon ay aawit sa kagalakan dahil sa Babilonia; sapagkat sasalakayin siya ng mga tagawasak mula sa hilaga,” sabi ni Yahweh. 49 “Dapat(E) ibagsak ang Babilonia bilang kapalit ng mga napatay sa Israel; sapagkat ang Babilonia ang dahilan ng mga napatay sa buong sanlibutan.”
Ang Mensahe ng Diyos para sa mga Israelita sa Babilonia
Sinabi ni Yahweh sa mga Israelita na bihag sa Babilonia, 50 “Kayong nakaligtas sa kamatayan, magpatuloy kayo at huwag kayong titigil! Alalahanin ninyo si Yahweh kung kayo'y nasa malayong lugar na, gayundin ang Jerusalem. 51 Kami'y napahiya dahil nakarinig kami ng paghamak. Nalagay kami sa kahiya-hiyang katayuan sapagkat dumating ang mga dayuhan at pumasok sa banal na dako sa bahay ni Yahweh. 52 Makikita ninyo, darating ang panahong paparusahan ko ang kanyang mga diyus-diyosan; maririnig ang daing ng mga sugatan sa buong lupain. 53 Kahit na maabot ng Babilonia ang langit, kahit tibayan niya ang kanyang kuta, darating pa rin ang wawasak sa kanya.”
Iba pang Kapahamakang Sinapit ng Babilonia
54 Sinabi pa ni Yahweh,
“Pakinggan ninyo ang iyakan mula sa Babilonia,
ang panaghoy dahil sa kanyang pagkawasak.
55 Sapagkat ginigiba ni Yahweh ang Babilonia,
at pinatatahimik ang kanyang malakas na sigaw.
Ang kanyang mga alon ay parang ugong ng malakas na tubig,
matining ang alingawngaw ng kanilang tinig.
56 Sumalakay na sa Babilonia ang tagawasak.
Binihag ang kanyang mga mandirigma.
Pinagbabali ang kanilang mga pana
sapagkat si Yahweh ay Diyos na gumaganti,
magbabayad siya nang buo.
57 Lalasingin ko ang kanyang mga pinuno at mga matatalino,
ang kanyang mga tagapamahala, tagapag-utos at mandirigma.
Mahihimbing sila habang panahon at hindi na magigising.”
Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
58 Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:
“Ang malawak na pader ng Babilonia ay mawawasak
at masusunog ang matataas niyang pintuang-bayan.
Nagpapakahirap sa walang kabuluhan ang mga tao.
Pinapagod nila ang kanilang sarili para mauwi lamang sa apoy.”
Ang Mensahe ni Jeremias para sa Babilonia
59 Ito naman ang iniutos ng Propeta Jeremias sa punong eunuko na si Seraias, ang anak ni Nerias at apo ni Maasias, nang siya'y magpunta sa Babilonia, kasama ni Haring Zedekias ng Juda, noong ikaapat na taon ng paghahari nito. 60 Itinala ni Jeremias sa isang kasulatan ang lahat ng kapahamakang darating sa Babilonia, at lahat ng bagay na nasulat tungkol dito. 61 Ang sabi ni Jeremias kay Seraias: “Basahin mong lahat ang nakasulat dito pagdating mo sa Babilonia. 62 Pagkatapos ay sabihin mo, ‘Yahweh, sinabi mong ang lupaing ito'y iyong wawasakin. Wala nang maninirahan dito, maging tao o hayop, at mananatili itong wasak habang panahon.’ 63 Pagkabasa(F) mo sa kasulatang ito, itali mo sa isang bato at ihagis sa gitna ng Ilog Eufrates, 64 sabay ang pagsasabing, ‘Gayon lulubog ang Babilonia, at hindi na lilitaw, dahil sa parusang ipadadala ko sa kanya.’” Hanggang dito ang mga pahayag na natipon ni Jeremias.
Jeremiah 51
New American Standard Bible
Babylon Judged for Sins against Israel
51 This is what the Lord says:
“Behold, I am going to stir up
[a]The (A)spirit of a destroyer against Babylon
And against the inhabitants of [b]Leb-kamai.
2 I will send [c]foreigners to Babylon so that they may (B)winnow her
And devastate her land;
For they will be opposed to her on every side
On the day of her disaster.
3 Let not [d]him who [e](C)bends his bow [f]bend it,
Nor let him rise up in his (D)coat of armor.
Do not spare her young men;
Devote all her army to destruction.
4 They will fall down [g]dead in the land of the Chaldeans,
And (E)pierced through in their streets.”
5 For (F)neither Israel nor Judah has been [h]forsaken
By his God, the Lord of armies,
Although their land is (G)full of guilt
[i]Before the Holy One of Israel.
6 (H)Flee from the midst of Babylon,
And each of you save his life!
Do not (I)perish in her [j]punishment,
For this is the (J)Lord’s time of vengeance;
He is going to (K)repay to her what she deserves.
7 Babylon has been a golden (L)cup in the hand of the Lord,
Intoxicating all the earth.
The (M)nations have drunk of her wine;
Therefore the nations are (N)going insane.
8 Suddenly (O)Babylon has fallen and been broken;
(P)Wail over her!
(Q)Bring [k]balm for her pain;
Perhaps she may be healed.
9 We applied healing to Babylon, but she was not healed;
Abandon her and (R)let’s each go to his own country,
For her judgment has (S)reached to heaven
And it rises to the clouds.
10 The Lord has (T)brought [l]about our vindication;
Come and let’s (U)recount in Zion
The work of the Lord our God!
11 (V)Sharpen the arrows, fill the quivers!
The Lord has stirred up the spirit of the kings of the Medes,
Because His plan is against Babylon to destroy it;
For it is the (W)vengeance of the Lord, vengeance for His temple.
12 (X)Lift up a signal flag against the walls of Babylon;
Post a strong guard,
Station [m]sentries,
Set up an ambush!
For the Lord has both (Y)planned and performed
What He spoke concerning the inhabitants of Babylon.
13 You who (Z)live by many waters,
Abundant in (AA)treasures,
Your end has come,
The [n]measure of your [o](AB)end.
14 The (AC)Lord of armies has sworn by Himself:
“I will certainly fill you with a [p]population like (AD)locusts,
And they will cry out with shouts of victory over you.”
15 It is (AE)He who made the earth by His power,
Who established the world by His wisdom,
And by His understanding He (AF)stretched out the heavens.
16 When He utters His (AG)voice, there is a roar of waters in the heavens,
And He makes the (AH)clouds ascend from the end of the earth.
He makes lightning for the rain
And brings out (AI)wind from His storehouses.
17 (AJ)Every person is stupid, devoid of knowledge;
Every goldsmith is put to shame by his [q]idols,
For his cast metal images are (AK)deceitful,
And there is no breath in them.
18 They are (AL)worthless, a work of mockery;
At the time of their punishment they will perish.
19 The (AM)portion of Jacob is not like these;
For He is the [r]Maker of everything,
And of the [s]tribe of His inheritance;
The (AN)Lord of armies is His name.
20 He says, “You are My [t](AO)war-club, My weapon of war;
And with you I (AP)shatter nations,
And with you I destroy kingdoms.
21 With you I (AQ)shatter the horse and his rider,
And with you I shatter the (AR)chariot and its rider,
22 And with you I shatter (AS)man and woman,
And with you I shatter the old man and (AT)youth,
And with you I shatter the young man and virgin,
23 And with you I shatter the shepherd and his flock,
And with you I shatter the farmer and his team,
And with you I shatter governors and officials.
24 “But I will repay Babylon and all the inhabitants of (AU)Chaldea for (AV)all their evil that they have done in Zion before your eyes,” declares the Lord.
25 “Behold, (AW)I am against you, mountain of (AX)destruction
That destroys the whole earth,” declares the Lord,
“And I will stretch out My hand against you,
And roll you down from the rocky cliffs,
And I will make you a (AY)burnt out mountain.
26 They will not take from you even a stone for a corner
Nor a stone for foundations,
But you will be (AZ)desolate forever,” declares the Lord.
27 (BA)Lift up a signal flag in the land,
Blow a trumpet among the nations!
Consecrate the nations against her,
Summon against her the (BB)kingdoms of (BC)Ararat, Minni, and (BD)Ashkenaz;
Appoint an officer against her,
Bring up the (BE)horses like bristly locusts.
28 Consecrate the nations against her,
The kings of the Medes,
[u]Their governors and all [v]their officials,
And every land [w]under their control.
29 So the (BF)land quakes and writhes,
For the plans of the Lord against Babylon stand,
To make the land of Babylon
[x]A (BG)desolation without inhabitants.
30 The (BH)warriors of Babylon have ceased fighting,
They stay in the strongholds;
(BI)Their strength is [y]exhausted,
They are becoming (BJ)like women;
Their homes are set on fire,
The (BK)bars of her gates are broken.
31 One [z](BL)courier runs to meet [aa]another,
And one [ab](BM)messenger to meet [ac]another,
To tell the king of Babylon
That his city has been captured from end to end;
32 The river crossing places have been seized,
And they have burned the marshes with fire,
And the men of war are terrified.
33 For this is what the Lord of armies, the God of Israel says:
“The daughter of Babylon is like a (BN)threshing floor
At the time that [ad]it is tread down;
In just a little while the time of (BO)harvest will come for her.”
34 “Nebuchadnezzar the king of Babylon has (BP)devoured me, he has crushed me,
He has set me down like an (BQ)empty vessel;
He has (BR)swallowed me like a monster,
He has filled his stomach with my delicacies;
He has washed me away.
35 May the (BS)violence done to me and to my flesh be upon Babylon,”
The [ae]inhabitant of Zion will say;
And, “May my blood be upon the inhabitants of Chaldea,”
Jerusalem will say.
36 Therefore this is what the Lord says:
“Behold, I am going to (BT)plead your case
And (BU)take vengeance for you;
And (BV)I will dry up her [af]sea
And make her fountain dry.
37 (BW)Babylon will become a heap of ruins, a haunt of jackals,
An (BX)object of horror and hissing, without inhabitants.
38 They will roar together like (BY)young lions,
They will growl like lions’ cubs.
39 When they become heated up, I will serve them their banquet
And (BZ)make them drunk, so that they may rejoice in triumph,
And may (CA)sleep a perpetual sleep
And not wake up,” declares the Lord.
40 “I will bring them down like [ag]lambs (CB)to the slaughter,
Like rams together with male goats.
41 “How [ah](CC)Sheshak has been captured,
And (CD)the praise of the whole earth has been seized!
How Babylon has become an object of horror among the nations!
42 The [ai](CE)sea has come up over Babylon;
She has been engulfed by its roaring waves.
43 Her cities have become an (CF)object of horror,
A dry land and a desert,
A land in which (CG)no one lives
And through which no [aj]one of mankind passes.
44 (CH)I will punish Bel in Babylon,
And I will make what he has swallowed (CI)come out of his mouth;
And the nations will no longer (CJ)stream toward him.
Even the (CK)wall of Babylon has fallen down!
45 “(CL)Come out from her midst, My people,
And each of you (CM)save yourselves
From the fierce anger of the Lord.
46 Now, (CN)so that your heart does not grow faint,
And you are not afraid at the (CO)report that will be heard in the land—
For the report will come in [ak]one year,
And after that [al]another report in [am]another year,
And violence will be in the land
With (CP)ruler against ruler—
47 Therefore behold, days are coming
When I will punish the (CQ)idols of Babylon;
And her whole land will be (CR)put to shame.
And all her slain will fall in her midst.
48 Then (CS)heaven and earth and everything that is in them
Will shout for joy over Babylon,
Because (CT)the destroyers will come to her from the north,”
Declares the Lord.
49 (CU)Indeed, Babylon is to fall for the slain of Israel,
As (CV)the slain of all the earth have also fallen for Babylon.
50 You (CW)who have escaped the sword,
Go! Do not stay!
(CX)Remember the Lord from far away,
And let Jerusalem [an]come to your mind.
51 (CY)We are ashamed because we have heard rebuke;
Disgrace has covered our faces,
Because (CZ)strangers have entered
The holy places of the Lord’s house.
52 “Therefore behold, the days are coming,” declares the Lord,
“When I will punish her (DA)idols,
And the mortally wounded will groan throughout her land.
53 Though Babylon (DB)ascends to the heavens,
And though she fortifies [ao]her lofty stronghold,
Destroyers will come from (DC)Me to her,” declares the Lord.
54 The (DD)sound of an outcry from Babylon,
And of great destruction from the land of the Chaldeans!
55 For the Lord is going to destroy Babylon,
And He will make her loud [ap]noise vanish from her.
And their (DE)waves will roar like many waters;
The clamor of their voices [aq]sounds forth.
56 For the (DF)destroyer is coming against her, against Babylon,
And her warriors will be captured,
Their (DG)bows shattered;
For the Lord is a God of (DH)retribution,
He will fully repay.
57 “I will (DI)make her leaders and her wise men drunk,
Her governors, her officials, and her warriors,
So that they will sleep a (DJ)perpetual sleep and not wake up,”
(DK)Declares the King, whose name is the Lord of armies.
58 This is what the Lord of armies says:
“The broad (DL)wall of Babylon will be completely demolished,
And her high (DM)gates will be set on fire;
So the peoples will (DN)labor for nothing,
And the nations become (DO)exhausted only for fire.”
59 The [ar]command that Jeremiah the prophet [as]gave Seraiah the son of (DP)Neriah, the grandson of Mahseiah, when he went with (DQ)Zedekiah the king of Judah to Babylon in the fourth year of his reign. (And Seraiah was quartermaster.) 60 Jeremiah (DR)wrote [at]on a single scroll all the disaster which would come against Babylon, that is, all these words which have been written concerning Babylon. 61 Then Jeremiah said to Seraiah, “As soon as you come to Babylon, see that you read all these words aloud, 62 and say, ‘You, Lord, have [au]promised concerning this place to (DS)cut it off, so that there will be (DT)nothing living in it, [av]whether man or animal; but it will be a permanent desolation.’ 63 And as soon as you finish reading this [aw]scroll, you shall tie a stone to it and (DU)throw it into the middle of the Euphrates, 64 and say, ‘Just so shall Babylon sink down and (DV)not rise again, because of the disaster that I am going to bring upon her; and they will become (DW)exhausted.’” (DX)To this point are the words of Jeremiah.
Footnotes
- Jeremiah 51:1 Or a destroying wind
- Jeremiah 51:1 Cryptic name for Chaldea; or the heart of those who rise up against Me
- Jeremiah 51:2 Some ancient versions winnowers
- Jeremiah 51:3 I.e., the Chaldean defender
- Jeremiah 51:3 Lit step(s) on; MT in order to string
- Jeremiah 51:3 Lit step(s) on; MT in order to string
- Jeremiah 51:4 Lit killed; or wounded
- Jeremiah 51:5 Lit widowed
- Jeremiah 51:5 Lit From
- Jeremiah 51:6 Or penalty for wrongdoing
- Jeremiah 51:8 Or balsam resin
- Jeremiah 51:10 Lit forth
- Jeremiah 51:12 Or watchmen
- Jeremiah 51:13 Lit cubit
- Jeremiah 51:13 Lit being cut off
- Jeremiah 51:14 Or mankind
- Jeremiah 51:17 Or images
- Jeremiah 51:19 Lit Fashioner
- Jeremiah 51:19 Or scepter; cf. Num 24:17
- Jeremiah 51:20 Lit shatterer
- Jeremiah 51:28 Lit her
- Jeremiah 51:28 Lit her
- Jeremiah 51:28 Lit of his dominion
- Jeremiah 51:29 Or An object of horror
- Jeremiah 51:30 Lit dried up
- Jeremiah 51:31 Lit runner
- Jeremiah 51:31 Lit runner
- Jeremiah 51:31 Lit announcer
- Jeremiah 51:31 Lit announcer
- Jeremiah 51:33 Lit of treading it
- Jeremiah 51:35 Lit inhabitress
- Jeremiah 51:36 Or broad river
- Jeremiah 51:40 Or young rams
- Jeremiah 51:41 Cryptic name for Babylon
- Jeremiah 51:42 Or broad river
- Jeremiah 51:43 Lit son of man
- Jeremiah 51:46 Lit the
- Jeremiah 51:46 Lit the
- Jeremiah 51:46 Lit the
- Jeremiah 51:50 Lit come upon your heart
- Jeremiah 51:53 Lit the height of her strength
- Jeremiah 51:55 Or voice
- Jeremiah 51:55 Lit is given
- Jeremiah 51:59 Lit word
- Jeremiah 51:59 Lit commanded
- Jeremiah 51:60 Or in...book
- Jeremiah 51:62 Lit spoken
- Jeremiah 51:62 Lit from man even to beast
- Jeremiah 51:63 Or book
Jeremiah 51
New International Version
51 This is what the Lord says:
“See, I will stir(A) up the spirit of a destroyer
against Babylon(B) and the people of Leb Kamai.[a]
2 I will send foreigners(C) to Babylon
to winnow(D) her and to devastate her land;
they will oppose her on every side
in the day(E) of her disaster.
3 Let not the archer string his bow,(F)
nor let him put on his armor.(G)
Do not spare her young men;
completely destroy[b] her army.
4 They will fall(H) down slain in Babylon,[c]
fatally wounded in her streets.(I)
5 For Israel and Judah have not been forsaken(J)
by their God, the Lord Almighty,
though their land[d] is full of guilt(K)
before the Holy One of Israel.
6 “Flee(L) from Babylon!
Run for your lives!
Do not be destroyed because of her sins.(M)
It is time(N) for the Lord’s vengeance;(O)
he will repay(P) her what she deserves.
7 Babylon was a gold cup(Q) in the Lord’s hand;
she made the whole earth drunk.
The nations drank her wine;
therefore they have now gone mad.
8 Babylon will suddenly fall(R) and be broken.
Wail over her!
Get balm(S) for her pain;
perhaps she can be healed.
9 “‘We would have healed Babylon,
but she cannot be healed;
let us leave(T) her and each go to our own land,
for her judgment(U) reaches to the skies,
it rises as high as the heavens.’
11 “Sharpen the arrows,(X)
take up the shields!(Y)
The Lord has stirred up the kings(Z) of the Medes,(AA)
because his purpose(AB) is to destroy Babylon.
The Lord will take vengeance,(AC)
vengeance for his temple.(AD)
12 Lift up a banner(AE) against the walls of Babylon!
Reinforce the guard,
station the watchmen,(AF)
prepare an ambush!(AG)
The Lord will carry out his purpose,(AH)
his decree against the people of Babylon.
13 You who live by many waters(AI)
and are rich in treasures,(AJ)
your end has come,
the time for you to be destroyed.(AK)
14 The Lord Almighty has sworn by himself:(AL)
I will surely fill you with troops, as with a swarm of locusts,(AM)
and they will shout(AN) in triumph over you.
15 “He made the earth by his power;
he founded the world by his wisdom(AO)
and stretched(AP) out the heavens by his understanding.(AQ)
16 When he thunders,(AR) the waters in the heavens roar;
he makes clouds rise from the ends of the earth.
He sends lightning with the rain(AS)
and brings out the wind from his storehouses.(AT)
17 “Everyone is senseless and without knowledge;
every goldsmith is shamed by his idols.
The images he makes are a fraud;(AU)
they have no breath in them.
18 They are worthless,(AV) the objects of mockery;
when their judgment comes, they will perish.
19 He who is the Portion(AW) of Jacob is not like these,
for he is the Maker of all things,
including the people of his inheritance(AX)—
the Lord Almighty is his name.
20 “You are my war club,(AY)
my weapon for battle—
with you I shatter(AZ) nations,(BA)
with you I destroy kingdoms,
21 with you I shatter horse and rider,(BB)
with you I shatter chariot(BC) and driver,
22 with you I shatter man and woman,
with you I shatter old man and youth,
with you I shatter young man and young woman,(BD)
23 with you I shatter shepherd and flock,
with you I shatter farmer and oxen,
with you I shatter governors and officials.(BE)
24 “Before your eyes I will repay(BF) Babylon(BG) and all who live in Babylonia[e] for all the wrong they have done in Zion,” declares the Lord.
25 “I am against(BH) you, you destroying mountain,
you who destroy the whole earth,”(BI)
declares the Lord.
“I will stretch out my hand(BJ) against you,
roll you off the cliffs,
and make you a burned-out mountain.(BK)
26 No rock will be taken from you for a cornerstone,
nor any stone for a foundation,
for you will be desolate(BL) forever,”
declares the Lord.
27 “Lift up a banner(BM) in the land!
Blow the trumpet among the nations!
Prepare the nations for battle against her;
summon against her these kingdoms:(BN)
Ararat,(BO) Minni and Ashkenaz.(BP)
Appoint a commander against her;
send up horses like a swarm of locusts.(BQ)
28 Prepare the nations for battle against her—
the kings of the Medes,(BR)
their governors and all their officials,
and all the countries they rule.(BS)
29 The land trembles(BT) and writhes,
for the Lord’s purposes(BU) against Babylon stand—
to lay waste(BV) the land of Babylon
so that no one will live there.(BW)
30 Babylon’s warriors(BX) have stopped fighting;
they remain in their strongholds.
Their strength is exhausted;
they have become weaklings.(BY)
Her dwellings are set on fire;(BZ)
the bars(CA) of her gates are broken.
31 One courier(CB) follows another
and messenger follows messenger
to announce to the king of Babylon
that his entire city is captured,(CC)
32 the river crossings seized,
the marshes set on fire,(CD)
and the soldiers terrified.(CE)”
33 This is what the Lord Almighty, the God of Israel, says:
“Daughter Babylon(CF) is like a threshing floor(CG)
at the time it is trampled;
the time to harvest(CH) her will soon come.(CI)”
34 “Nebuchadnezzar(CJ) king of Babylon has devoured(CK) us,(CL)
he has thrown us into confusion,
he has made us an empty jar.
Like a serpent he has swallowed us
and filled his stomach with our delicacies,
and then has spewed(CM) us out.
35 May the violence(CN) done to our flesh[f] be on Babylon,”
say the inhabitants of Zion.
“May our blood be on those who live in Babylonia,”
says Jerusalem.(CO)
36 Therefore this is what the Lord says:
“See, I will defend your cause(CP)
and avenge(CQ) you;
I will dry up(CR) her sea
and make her springs dry.
37 Babylon will be a heap of ruins,
a haunt(CS) of jackals,
an object of horror and scorn,(CT)
a place where no one lives.(CU)
38 Her people all roar like young lions,(CV)
they growl like lion cubs.
39 But while they are aroused,
I will set out a feast for them
and make them drunk,(CW)
so that they shout with laughter—
then sleep forever(CX) and not awake,”
declares the Lord.(CY)
40 “I will bring them down
like lambs to the slaughter,
like rams and goats.(CZ)
41 “How Sheshak[g](DA) will be captured,(DB)
the boast of the whole earth seized!
How desolate(DC) Babylon will be
among the nations!
42 The sea will rise over Babylon;
its roaring waves(DD) will cover her.
43 Her towns will be desolate,
a dry and desert(DE) land,
a land where no one lives,
through which no one travels.(DF)
44 I will punish Bel(DG) in Babylon
and make him spew out(DH) what he has swallowed.
The nations will no longer stream to him.
And the wall(DI) of Babylon will fall.
45 “Come out(DJ) of her, my people!
Run(DK) for your lives!
Run from the fierce anger(DL) of the Lord.
46 Do not lose heart(DM) or be afraid(DN)
when rumors(DO) are heard in the land;
one rumor comes this year, another the next,
rumors of violence in the land
and of ruler against ruler.
47 For the time will surely come
when I will punish the idols(DP) of Babylon;
her whole land will be disgraced(DQ)
and her slain will all lie fallen within her.(DR)
48 Then heaven and earth and all that is in them
will shout(DS) for joy over Babylon,
for out of the north(DT)
destroyers(DU) will attack her,”
declares the Lord.
49 “Babylon must fall because of Israel’s slain,
just as the slain in all the earth
have fallen because of Babylon.(DV)
50 You who have escaped the sword,
leave(DW) and do not linger!
Remember(DX) the Lord in a distant land,(DY)
and call to mind Jerusalem.”
51 “We are disgraced,(DZ)
for we have been insulted
and shame covers our faces,
because foreigners have entered
the holy places of the Lord’s house.”(EA)
52 “But days are coming,” declares the Lord,
“when I will punish her idols,(EB)
and throughout her land
the wounded will groan.(EC)
53 Even if Babylon ascends to the heavens(ED)
and fortifies her lofty stronghold,
I will send destroyers(EE) against her,”
declares the Lord.
54 “The sound of a cry(EF) comes from Babylon,
the sound of great destruction(EG)
from the land of the Babylonians.[h]
55 The Lord will destroy Babylon;
he will silence(EH) her noisy din.
Waves(EI) of enemies will rage like great waters;
the roar of their voices will resound.
56 A destroyer(EJ) will come against Babylon;
her warriors will be captured,
and their bows will be broken.(EK)
For the Lord is a God of retribution;
he will repay(EL) in full.
57 I will make her officials(EM) and wise(EN) men drunk,(EO)
her governors, officers and warriors as well;
they will sleep(EP) forever and not awake,”
declares the King,(EQ) whose name is the Lord Almighty.
58 This is what the Lord Almighty says:
“Babylon’s thick wall(ER) will be leveled
and her high gates(ES) set on fire;
the peoples(ET) exhaust(EU) themselves for nothing,
the nations’ labor is only fuel for the flames.”(EV)
59 This is the message Jeremiah the prophet gave to the staff officer Seraiah son of Neriah,(EW) the son of Mahseiah, when he went to Babylon with Zedekiah(EX) king of Judah in the fourth(EY) year of his reign. 60 Jeremiah had written on a scroll(EZ) about all the disasters that would come upon Babylon—all that had been recorded concerning Babylon. 61 He said to Seraiah, “When you get to Babylon, see that you read all these words aloud. 62 Then say, ‘Lord, you have said you will destroy this place, so that neither people nor animals will live in it; it will be desolate(FA) forever.’ 63 When you finish reading this scroll, tie a stone to it and throw it into the Euphrates.(FB) 64 Then say, ‘So will Babylon sink to rise no more(FC) because of the disaster I will bring on her. And her people(FD) will fall.’”(FE)
The words of Jeremiah end(FF) here.
Footnotes
- Jeremiah 51:1 Leb Kamai is a cryptogram for Chaldea, that is, Babylonia.
- Jeremiah 51:3 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.
- Jeremiah 51:4 Or Chaldea
- Jeremiah 51:5 Or Almighty, / and the land of the Babylonians
- Jeremiah 51:24 Or Chaldea; also in verse 35
- Jeremiah 51:35 Or done to us and to our children
- Jeremiah 51:41 Sheshak is a cryptogram for Babylon.
- Jeremiah 51:54 Or Chaldeans
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
New American Standard Bible®, Copyright © 1960, 1971, 1977, 1995, 2020 by The Lockman Foundation. All rights reserved.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.


