Add parallel Print Page Options

44 Parurusahan ko si Bel na dios-diosan ng Babilonia. Ipapasuka ko sa kanya ang mga nilamon niya.[a] Hindi na siya dadagsain ng mga bansa para sambahin. Bumagsak na ang mga pader ng Babilonia.

45 “Mga hinirang ko, lumayo na kayo sa Babilonia! Iligtas ninyo ang inyong buhay bago ko ibuhos ang galit ko. 46 Pero huwag kayong matatakot o manlulupaypay kung dumating na ang balita tungkol sa digmaan. Sapagkat ang balita tungkol sa digmaan ng mga hari ay darating sa bawat taon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 51:44 ang mga nilamon niya: Maaaring ang ibig sabihin nito ay ang mga taong binihag ng mga taga-Babilonia at ang mga ari-arian na nasamsam nito.