Add parallel Print Page Options

42 Matatabunan ng malalakas na alon ang Babilonia. 43 Magiging malungkot ang mga bayan niya na parang disyerto na walang nakatira o dumadaan man lang. 44 Parurusahan ko si Bel na dios-diosan ng Babilonia. Ipapasuka ko sa kanya ang mga nilamon niya.[a] Hindi na siya dadagsain ng mga bansa para sambahin. Bumagsak na ang mga pader ng Babilonia.

Read full chapter

Footnotes

  1. 51:44 ang mga nilamon niya: Maaaring ang ibig sabihin nito ay ang mga taong binihag ng mga taga-Babilonia at ang mga ari-arian na nasamsam nito.