Font Size
Jeremias 51:41-43
Ang Biblia, 2001
Jeremias 51:41-43
Ang Biblia, 2001
Ang Sinapit ng Babilonia
41 “Ano't nasakop ang Sheshach,[a]
at ang kapurihan ng buong lupa ay naagaw!
Ano't ang Babilonia ay naging
katatakutan sa gitna ng mga bansa!
42 Ang dagat ay umapaw sa Babilonia;
siya'y natakpan ng nagngangalit nitong mga alon.
43 Ang kanyang mga lunsod ay naging katatakutan,
isang tuyong lupain at ilang,
isang lupain na walang taong naninirahan,
o dinaraanan man ng sinumang anak ng tao.
Footnotes
- Jeremias 51:41 SHESHACH: Isang lihim na pangalan para sa Babilonia.