Add parallel Print Page Options

19 Ang bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang naganyo sa lahat ng bagay; at ang Israel ay lipi ng kaniyang mana: ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.

Read full chapter

12 (A)Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:

13 Pagka siya'y naguutos, may hugong ng tubig sa langit, at kaniyang pinaiilanglang (B)ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa; siya'y nagpapakidlat para sa ulan, at naglalabas ng hangin mula sa mga kinalalagyan.

14 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay (C)kabulaanan, at (D)hindi humihinga ang mga yaon.

15 Sila'y walang kabuluhan, gawang karayaan: sa panahon ng pagdalaw sa mga yaon sila ay mangalilipol.

16 Ang (E)bahagi ng Jacob ay hindi gaya ng mga ito; sapagka't siya ang (F)may kapal sa lahat ng mga bagay; at ang Israel ay siyang lipi na kaniyang mana (G)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.

Read full chapter