Font Size
Jeremias 51:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 51:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Dagdag na Parusa sa Babilonia
51 Ito pa ang sinabi ng Panginoon tungkol sa Babilonia: “Hahamunin ko ang manlilipol para salakayin ang Babilonia at ang mga mamamayan nito.[a] 2 Magpapadala ako ng mga dayuhan para salakayin at wasakin ang Babilonia na tulad sa ipa na tinatangay ng hangin. Lulusubin nila ang Babilonia sa lahat ng dako sa araw ng kapahamakan nito. 3 Hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang mga tagapana ng Babilonia na magamit ang mga pana o mga baluti nila. Wala silang ititirang kabataang lalaki. Lubusan nilang lilipulin ang mga sundalo ng Babilonia.
Read full chapterFootnotes
- 51:1 mga mamamayan nito: sa Hebreo, mga mamamayan ng Leb Kamai, na isa pang pangalan ng Babilonia.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®