Font Size
Jeremias 50:40-42
Ang Biblia, 2001
Jeremias 50:40-42
Ang Biblia, 2001
40 Kung(A) paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra at ang mga karatig-bayan ng mga iyon, sabi ng Panginoon, gayon walang sinumang maninirahan doon, at walang anak ng tao na titira doon.
41 “Narito, isang bayan ay dumarating mula sa hilaga;
isang makapangyarihang bansa at maraming hari
ang gigisingin mula sa pinakamalayong bahagi ng lupa.
42 May hawak silang busog at sibat;
sila'y malulupit, at walang awa.
Ang kanilang tinig ay gaya ng hugong ng dagat,
at sila'y nakasakay sa mga kabayo,
nakahanay na gaya ng isang taong makikipagdigma
laban sa iyo, O anak na babae ng Babilonia!