Add parallel Print Page Options

39 “Kaya't(A) ang mababangis na hayop ay maninirahan doon na kasama ng mga asong-gubat, at ang avestruz ay maninirahan sa kanya; hindi na ito titirahan ng mga tao kailanpaman; ni matatahanan sa lahat ng mga salinlahi.

40 Kung(B) paanong winasak ng Diyos ang Sodoma at Gomorra at ang mga karatig-bayan ng mga iyon, sabi ng Panginoon, gayon walang sinumang maninirahan doon, at walang anak ng tao na titira doon.

41 “Narito, isang bayan ay dumarating mula sa hilaga;
    isang makapangyarihang bansa at maraming hari
    ang gigisingin mula sa pinakamalayong bahagi ng lupa.

Read full chapter