Add parallel Print Page Options

18 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang kaniyang lupain, (A)gaya ng aking pagkaparusa sa hari sa Asiria.

19 At aking dadalhin uli ang Israel (B)sa kaniyang pastulan, at siya'y sasabsab sa Carmel at sa Basan, at ang kaniyang kalooban ay masisiyahan sa mga burol ng Ephraim at sa Galaad.

20 Sa mga araw na yaon, at sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, (C)ang kasamaan ng Israel ay mauusig, at hindi magkakaroon ng anoman; at ang mga kasalanan ng Juda, at hindi sila masusumpungan: sapagka't aking patatawarin sila na (D)aking iniiwan na pinakalabi.

Read full chapter