Add parallel Print Page Options

Tuparin ninyo ang inyong pangako sa akin, at italaga ang inyong buhay sa paglilingkod. Kung hindi, sisiklab ang aking poot dahil sa inyong mga nagawang kasamaan.”

Binantaang Sakupin ang Juda

Hipan ang trumpeta sa buong lupain!
    Isigaw nang malinaw at malakas:
“Mga taga-Juda at taga-Jerusalem,
    magsipasok kayo sa inyong mga kublihang lunsod.
Ituro ang daang patungo sa Zion!
    Magtago na kayo at huwag magpaliban!
Mula sa hilaga'y magpapadala si Yahweh
    ng lagim at pagkawasak.

Read full chapter