Add parallel Print Page Options

Linisin nʼyo ang inyong mga puso sa presensya ng Panginoon, kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, dahil kung hindi ay mararanasan nʼyo ang galit kong parang apoy na hindi namamatay dahil sa ginawa nʼyong kasamaan.

Ang Parusang Darating sa Juda

“Sabihin mo sa Juda at Jerusalem na patunugin nila ang trumpeta sa buong lupain. Isigaw nang malinaw at malakas na tumakas sila at magtago sa mga napapaderang lungsod. Balaan mo ang mga taga-Jerusalem[a] na tumakas agad sila dahil magpapadala ako ng kapahamakan mula sa hilaga.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:6 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.