Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe sa hari, Isinasamo namin sa iyo na (A)ipapatay ang lalaking ito; yamang kaniyang pinahina ang mga kamay ng mga lalaking mangdidigma na nalalabi sa bayang ito, at ang mga kamay ng buong bayan, sa pagsasalita ng kaniyang mga salita sa kanila: sapagka't hindi hinahanap ng lalaking ito ang ikabubuti ng bayang ito, kundi ang ikapapahamak.

At sinabi ni Sedechias na hari, Narito, siya'y nasa inyong kamay; (B)sapagka't hindi ang hari ang makagagawa ng anoman laban sa inyo.

Nang magkagayo'y sinunggaban nila si Jeremias, at inihagis siya sa hukay ni Malchias na anak ng hari, na nasa looban ng bantay: at kanilang inihugos si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. At sa hukay ay walang tubig, kundi burak; at lumubog si Jeremias sa burak.

Read full chapter