Add parallel Print Page Options

22 Nakita kong inilalabas ng mga pinunong taga-Babilonia ang lahat ng babaing naiwan sa palasyo ng hari sa Juda. Pakinggan ninyo ang sinasabi nila:

‘Ang hari'y iniligaw ng pinakamatalik niyang mga kaibigan;
    naniwala siya sa kanila.
At ngayong nakalubog sa putik ang kanyang mga paa,
    iniwan na siya ng mga kaibigan niya.’”

23 Pagkatapos ay sinabi ni Jeremias, “Bibihagin ng mga taga-Babilonia ang lahat ng babae at mga bata; pati ikaw ay hindi makakaligtas. Dadalhin kang bihag, at susunugin ang lunsod na ito.”

24 Sumagot si Zedekias, “Huwag mong ipapaalam kahit kanino ang pag-uusap na ito, at hindi na manganganib ang buhay mo.

Read full chapter