Jeremias 38:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Ang tumatahan sa bayang ito ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak, sa pamamagitan ng kagutom, at sa pamamagitan ng salot; nguni't ang lumalabas sa mga Caldeo ay mabubuhay, at ang kaniyang buhay ay magiging sa kaniya'y pinakasamsam, at siya'y mabubuhay.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Tunay na ang bayang ito ay mabibigay sa kamay ng hukbo ng hari sa Babilonia, at sasakupin niya.
4 Nang magkagayo'y sinabi ng mga prinsipe sa hari, Isinasamo namin sa iyo na (C)ipapatay ang lalaking ito; yamang kaniyang pinahina ang mga kamay ng mga lalaking mangdidigma na nalalabi sa bayang ito, at ang mga kamay ng buong bayan, sa pagsasalita ng kaniyang mga salita sa kanila: sapagka't hindi hinahanap ng lalaking ito ang ikabubuti ng bayang ito, kundi ang ikapapahamak.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978