Add parallel Print Page Options

17 Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias kay Sedechias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kung iyong lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabubuhay ka nga, at ang bayang ito ay hindi masusunog ng apoy; at ikaw ay mabubuhay, at ang iyong sangbahayan:

18 Nguni't kung hindi mo lalabasin ang mga prinsipe ng hari sa Babilonia, mabibigay nga ang bayang ito sa kamay ng mga Caldeo, at kanilang susunugin ng apoy, at ikaw ay hindi makatatanan sa kanilang kamay.

19 At sinabi ni Sedechias na hari kay Jeremias, Ako'y natatakot sa mga Judio na kumampi sa mga Caldeo, baka ako'y ibigay nila sa kanilang kamay, at kanilang libakin ako.

Read full chapter