Add parallel Print Page Options

20 At ngayo'y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari: isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo, (A)na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon.

21 Nang magkagayo'y nagutos si Sedechias na hari, at kanilang ibinilanggo si Jeremias (B)sa looban ng bantay; at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay, (C)hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan. Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay.

Read full chapter