Add parallel Print Page Options

Nguni't maging siya, (A)o ang kaniyang mga lingkod man, o ang bayan man ng lupain, hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias.

At sinugo ni Sedechias na hari si (B)Jucal na anak ni Selemias, at si (C)Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, sa propeta Jeremias, na sinabi, Idalangin mo kami ngayon sa Panginoon nating Dios.

Si Jeremias nga (D)ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan: (E)sapagka't hindi nila inilagay siya sa bilangguan.

Read full chapter