Add parallel Print Page Options

Ikinulong siya roon ni Haring Zedekia dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito. Si Haring Zedekia ay hindi makakaligtas sa mga taga-Babilonia,[a] kundi talagang ihaharap siya sa hari ng Babilonia para hatulan. Dadalhin ko si Zedekia sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa matapos ang pagpaparusa sa kanya. Lumaban man kayo sa mga taga-Babilonia, hindi rin kayo magtatagumpay. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 32:4 taga-Babilonia: sa literal, Caldeo. Ganito rin sa talatang 5, 24, 25, 28 at 43.