Add parallel Print Page Options

Nang panahong iyon, kinukubkob ang Jerusalem ng mga sundalo ng Babilonia, at si Propeta Jeremias ay nakakulong sa bilangguan sa himpilan ng mga guwardya sa palasyo ng hari ng Juda. Ikinulong siya roon ni Haring Zedekia dahil sa kanyang ipinahayag. Sapagkat sinasabi ni Jeremias, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ibibigay ko ang lungsod na ito sa hari ng Babilonia at sasakupin niya ito. Si Haring Zedekia ay hindi makakaligtas sa mga taga-Babilonia,[a] kundi talagang ihaharap siya sa hari ng Babilonia para hatulan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 32:4 taga-Babilonia: sa literal, Caldeo. Ganito rin sa talatang 5, 24, 25, 28 at 43.