Add parallel Print Page Options

Si Jeremias ay nanalangin upang maliwanagan.

16 Pagkatapos nga na aking maibigay (A)ang katibayan ng pagkabili kay Baruch na anak ni Nerias, dumalangin ako sa Panginoon, na aking sinabi,

17 Ah Panginoong Dios! narito, iyong ginawa ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong malaking kapangyarihan, at sa pamamagitan ng iyong unat na kamay; (B)walang bagay na totoong napakahirap sa iyo:

18 Na (C)ikaw ay nagpapakita ng kagandahang-loob sa mga libolibo, at iyong ginaganti ang kasamaan ng mga magulang sa sinapupunan ng kanilang mga anak pagkamatay nila; ang dakila, na makapangyarihang (D)Dios, ang (E)Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan.

Read full chapter