Add parallel Print Page Options

Sinabi ng Panginoon, “Umawit kayo at humiyaw para sa Israel,[a] ang bansang pinakadakila sa lahat ng bansa. Magpuri kayo at sumigaw, ‘O Panginoon, iligtas mo ang mga mamamayan mo, ang mga natitirang buhay sa mga taga-Israel.’ Makinig kayo! Ako ang kukuha sa kanila at titipunin ko sila mula sa hilaga at sa alin mang bahagi ng mundo. Pati ang mga bulag at mga lumpo ay kasama, ganoon din ang mga buntis at ang mga malapit nang manganak. Napakalaking grupo ang uuwi. Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi. Dadalhin ko sila sa mga bukal, dadaan sila sa magandang daan at hindi sila matitisod. Sapagkat ako ang ama ng Israel; at si Efraim[b] ang panganay kong anak.

Read full chapter

Footnotes

  1. 31:7 Israel: sa Hebreo, Jacob.
  2. 31:9 Efraim: Ang pangunahing lahi sa hilagang kaharian ng Israel. Minsan ito ang kumakatawan sa kahariang ito.