Add parallel Print Page Options

Muli kang magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka, at masisiyahan sa ibubunga niyon. Sapagkat darating ang araw na hihiyaw ang mga bantay mula sa kaburulan ng Efraim, ‘Halikayo, umakyat tayo sa Zion, kay Yahweh na ating Diyos.’”

Ang sabi ni Yahweh:
“Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,
    ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;
magpuri kayo at inyong ipahayag
    na iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan,
    ang mga nalabi sa Israel.

Read full chapter