Font Size
Jeremias 31:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 31:5-7
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
5 Muli kayong magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria at pakikinabangan nʼyo ang mga bunga nito. 6 Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsod ay sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem[a] para sumamba sa Panginoon na ating Dios.’ ”
7 Sinabi ng Panginoon, “Umawit kayo at humiyaw para sa Israel,[b] ang bansang pinakadakila sa lahat ng bansa. Magpuri kayo at sumigaw, ‘O Panginoon, iligtas mo ang mga mamamayan mo, ang mga natitirang buhay sa mga taga-Israel.’
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®