Add parallel Print Page Options

37 “Kung masusukat ang kalangitan
    o maaarok ang kalaliman ng lupa,
    maaari kong itakwil ang buong Israel
    dahil sa lahat ng kanilang ginawa.”
Ito'y nagmula sa bibig ni Yahweh.

38 “Darating ang panahon na muling itatatag ang lunsod ng Jerusalem para sa karangalan ni Yahweh, mula sa Tore ng Hananel hanggang sa Panulukang Pinto. 39 Ang hangganan nito'y lalampas sa burol ng Gareb saka liliko sa Goa.

Read full chapter