Add parallel Print Page Options

33 Ngunit(A) ito ang tipan na aking gagawin sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat iyon sa kanilang mga puso; at ako'y magiging kanilang Diyos at sila'y magiging aking bayan.

34 At(B) hindi na tuturuan ng bawat isa sa kanila ang kanyang kapwa, at ng bawat tao ang kanyang kapatid, na magsasabi, ‘Kilalanin mo ang Panginoon;’ sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, sapagkat patatawarin ko ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa,” sabi ng Panginoon.

35 Ganito ang sabi ng Panginoon,
na nagbibigay ng araw bilang liwanag sa maghapon,
    at ng mga takdang kaayusan ng buwan at ng mga bituin bilang liwanag sa gabi,
na nagpapakilos sa dagat upang umugong ng mga alon niyon—
    ang Panginoon ng mga hukbo ang kanyang pangalan:

Read full chapter