Add parallel Print Page Options

Ang Habag ng Panginoon sa Israel

15 Ganito(A) ang sabi ng Panginoon,
“Isang tinig ang naririnig sa Rama,
    panaghoy at mapait na pag-iyak.
Iniiyakan ni Raquel ang kanyang mga anak;
    siya'y tumatangging maaliw dahil sa kanyang mga anak,
    sapagkat sila'y wala na.”
16 Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Itigil mo ang iyong tinig sa pag-iyak,
    at ang iyong mga mata sa pagluha;
sapagkat gagantimpalaan ang iyong mga gawa, sabi ng Panginoon;
    at sila'y babalik mula sa lupain ng kaaway.
17 May pag-asa para sa iyong hinaharap, sabi ng Panginoon;
    at ang iyong mga anak ay babalik sa kanilang sariling lupain.

Read full chapter