Add parallel Print Page Options

Ang Taksil na Israel

Sinabi ni Yahweh, “Kapag ang isang babae ay pinalayas at hiniwalayan ng kanyang asawa, at siya'y mag-asawa ng ibang lalaki, hindi na siya dapat tatanggapin ng unang asawa. Ang ganito'y magpaparumi sa lupain. Subalit ikaw, Israel, kay rami mong kinasama, at ngayo'y ibig mong magbalik sa akin! Tumingin ka sa tuktok ng mga burol; may lugar ba roong hindi mo dinungisan ng iyong kahalayan? Para kang babaing nagbebenta ng sarili na naghihintay ng manliligaw sa mga tabing-daan. Tulad mo'y Arabong nag-aabang ng biktima sa ilang. Dahil sa mahalay mong pamumuhay, ang lupain ay nadungisan. Para kang babaing bayaran, wala ka nang kahihiyan! Dahil dito'y pinigil ko ang ulan at hindi pumatak kahit sa panahon ng tagsibol.

“At ngayo'y sinasabi mong ako ang iyong ama na umiibig sa iyo mula pa sa pagkabata, at hindi magtatagal ang galit sa iyo. Ito'y pansamantala lamang. Iyan ang sinasabi mo, Israel, ngunit ang iyong ginagawa ay pawang kasamaan.”

Isang Panawagan Upang Magsisi

Noong(A) panahon ni Haring Josias, sinabi sa akin ni Yahweh: “Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Umaakyat siya sa bawat burol at nakikipagtalik sa lilim ng mayayabong na punongkahoy. Akala ko'y babalik siya sa akin matapos gawin iyon. Ngunit hindi, at sa halip ay nakita pa ito ng kapatid niyang taksil na si Juda. Nakita rin ng Juda nang pinalayas at hiwalayan ko ang Israel dahil sa pagtataksil sa akin at pagiging masamang babae. Ngunit hindi man lamang natakot ang taksil ding Juda. Naging masama rin siyang babae. Ito'y hindi niya ikinahiya, bagkus ay dinumihan ang lupain nang mangalunya siya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga bato at punongkahoy. 10 At pagkatapos ng lahat ng ito, nagkunwari ang taksil na Juda na bumabalik sa akin ngunit ito'y hindi taos sa kanyang puso. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.”

11 Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh na kahit tumalikod sa kanya ang Israel, ito'y hindi kasinsama ng taksil na Juda. 12 Inutusan niya akong magpunta sa hilaga at sabihin sa Israel, “Manumbalik ka, taksil na Israel. Hindi na kita kagagalitan sapagkat ako'y mahabagin. Hindi habang panahon ang galit ko sa iyo. 13 Aminin mo lamang na nagkasala ka at naghimagsik laban kay Yahweh na iyong Diyos. Sabihin mo na sa ilalim ng bawat punongkahoy ay nakiapid ka sa kahit sinong diyos at hindi ka sumunod sa aking mga utos,” ang sabi ni Yahweh.

14 “Magbalik kayo sa akin, kayong mga taksil na anak, sapagkat ako ang inyong Panginoon,” sabi pa ni Yahweh. “Kukuha ako sa inyo ng isa sa bawat bayan at dalawa sa bawat angkan at ibabalik ko kayo sa Bundok ng Zion. 15 Bibigyan ko kayo ng mga pinunong sumusunod sa akin, at pamamahalaan nila kayo nang buong katalinuhan at pagkaunawa. 16 At kung dumami na kayo sa lupaing iyon, hindi na pag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa Kaban ng Tipan ni Yahweh. Hindi na nila ito iisipin o aalalahanin. Hindi na rin nila ito kakailanganin o gagawa ng isa pa. 17 Sa araw na iyon, ang Jerusalem ay tatawaging ‘Luklukan ni Yahweh’. Lahat ng bansa'y magkakatipon doon upang sambahin ako. Hindi na nila gagawin ang kasamaang kanilang gustong gawin. 18 Magkakaisa ang Israel at ang Juda. Magkasama silang babalik mula sa hilaga at maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga magulang, upang maging kanila magpakailanman.”

Sumamba sa Diyus-diyosan ang Israel

19 Sinabi ni Yahweh,
“Itinuring kitang anak, Israel,
    at binigyan ng lupaing pinakamainam sa lahat,
sapagkat inakala kong kikilalanin mo akong ama,
    at hindi ka na tatalikod sa akin.
20 Ngunit gaya ng taksil na asawa, iniwan mo ako.
    Hindi ka naging tapat sa akin.”

21 May narinig na ingay sa mga kaburulan.
    Nananangis ang mga taga-Israel
    dahil sa mabigat nilang kasalanan;
    at kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos.
22 “Manumbalik kayo, mga anak na taksil,” sabi ni Yahweh,
    “pinapatawad ko na kayo sa inyong mga kasalanan.”

Sabihin ninyo: “Oo, lalapit na kami sapagkat si Yahweh ang aming Diyos! 23 Walang naitulong sa amin ang mga diyus-diyosang sinasamba namin sa kaburulan. Si Yahweh lamang na aming Diyos, ang tunay na kaligtasan ng Israel. 24 Dahil sa aming pagsamba kay Baal, nawala sa amin ang lahat ng bagay na pinaghirapan ng aming mga magulang, mula pa noong una—ang aming mga anak, mga hayop at mga kawan. 25 Dapat kaming manliit sa kahihiyan, sapagkat kami'y nagkasala kay Yahweh, kami at ang aming mga magulang. Mula sa pagkabata hanggang ngayon, hindi namin sinunod ang tinig ni Yahweh na aming Diyos.”

Israel Is Shameless

“They say, ‘If a man divorces his wife,
And she goes from him
And becomes another man’s,
(A)May he return to her again?’
Would not that (B)land be greatly polluted?
But you have (C)played the harlot with many lovers;
(D)Yet return to Me,” says the Lord.

“Lift up your eyes to (E)the desolate heights and see:
Where have you not [a]lain with men?
(F)By the road you have sat for them
Like an Arabian in the wilderness;
(G)And you have polluted the land
With your harlotries and your wickedness.
Therefore the (H)showers have been withheld,
And there has been no latter rain.
You have had a (I)harlot’s forehead;
You refuse to be ashamed.
Will you not from this time cry to Me,
‘My Father, You are (J)the guide of (K)my youth?
(L)Will He remain angry forever?
Will He keep it to the end?’
Behold, you have spoken and done evil things,
As you were able.”

A Call to Repentance

The Lord said also to me in the days of Josiah the king: “Have you seen what (M)backsliding Israel has done? She has (N)gone up on every high mountain and under every green tree, and there played the harlot. (O)And I said, after she had done all these things, ‘Return to Me.’ But she did not return. And her treacherous (P)sister Judah saw it. Then I saw that (Q)for all the causes for which backsliding Israel had committed adultery, I had (R)put her away and given her a certificate of divorce; (S)yet her treacherous sister Judah did not fear, but went and played the harlot also. So it came to pass, through her casual harlotry, that she (T)defiled the land and committed adultery with (U)stones and trees. 10 And yet for all this her treacherous sister Judah has not turned to Me (V)with her whole heart, but in pretense,” says the Lord.

11 Then the Lord said to me, (W)“Backsliding Israel has shown herself more righteous than treacherous Judah. 12 Go and proclaim these words toward (X)the north, and say:

‘Return, backsliding Israel,’ says the Lord;
‘I will not cause My anger to fall on you.
For I am (Y)merciful,’ says the Lord;
‘I will not remain angry forever.
13 (Z)Only acknowledge your iniquity,
That you have transgressed against the Lord your God,
And have (AA)scattered your [b]charms
To (AB)alien deities (AC)under every green tree,
And you have not obeyed My voice,’ says the Lord.

14 “Return, O backsliding children,” says the Lord; (AD)“for I am married to you. I will take you, (AE)one from a city and two from a family, and I will bring you to (AF)Zion. 15 And I will give you (AG)shepherds according to My heart, who will (AH)feed you with knowledge and understanding.

16 “Then it shall come to pass, when you are multiplied and (AI)increased in the land in those days,” says the Lord, “that they will say no more, ‘The ark of the covenant of the Lord.’ (AJ)It shall not come to mind, nor shall they remember it, nor shall they visit it, nor shall it be made anymore.

17 “At that time Jerusalem shall be called The Throne of the Lord, and all the nations shall be gathered to it, (AK)to the name of the Lord, to Jerusalem. No more shall they (AL)follow[c] the dictates of their evil hearts.

18 “In those days (AM)the house of Judah shall walk with the house of Israel, and they shall come together out of the land of (AN)the north to (AO)the land that I have given as an inheritance to your fathers.

19 “But I said:

‘How can I put you among the children
And give you (AP)a pleasant land,
A beautiful heritage of the hosts of nations?’

“And I said:

‘You shall call Me, (AQ)“My Father,”
And not turn away from Me.’
20 Surely, as a wife treacherously departs from her [d]husband,
So (AR)have you dealt treacherously with Me,
O house of Israel,” says the Lord.

21 A voice was heard on (AS)the desolate heights,
Weeping and supplications of the children of Israel.
For they have perverted their way;
They have forgotten the Lord their God.

22 “Return, you backsliding children,
And I will (AT)heal your backslidings.”

“Indeed we do come to You,
For You are the Lord our God.
23 (AU)Truly, in vain is salvation hoped for from the hills,
And from the multitude of mountains;
(AV)Truly, in the Lord our God
Is the salvation of Israel.
24 (AW)For shame has devoured
The labor of our fathers from our youth—
Their flocks and their herds,
Their sons and their daughters.
25 We lie down in our shame,
And our [e]reproach covers us.
(AX)For we have sinned against the Lord our God,
We and our fathers,
From our youth even to this day,
And (AY)have not obeyed the voice of the Lord our God.”

Footnotes

  1. Jeremiah 3:2 Kt. been violated
  2. Jeremiah 3:13 Lit. ways
  3. Jeremiah 3:17 walk after the stubbornness or imagination
  4. Jeremiah 3:20 Lit. companion
  5. Jeremiah 3:25 disgrace