Add parallel Print Page Options

10 Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing pagkatapos ng 70 taon na pagsakop ng Babilonia, babalikan ko kayo at tutuparin ko ang pangako ko na ibabalik ko kayo sa lupain ninyo. 11 Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan nʼyo at hindi sa kasamaan nʼyo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan. 12 Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo. 13 Kung lalapit kayo sa akin nang buong puso, tutulungan ko kayo. 14 Oo, tutulungan ko kayo at ibabalik mula sa pagkakabihag.[a] Titipunin ko kayo mula sa ibaʼt ibang bansa na pinangalatan ko sa inyo, at ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain.

Read full chapter

Footnotes

  1. 29:14 ibabalik … pagkakabihag: o, ibabalik ko ang kayamanan ninyo.