Add parallel Print Page Options

Sinabi pa ng Panginoon, “Darating ang araw na paghahariin ko ang isang hari na matuwid na mula sa angkan ni David. Maghahari siyang may karunungan, at paiiralin niya ang katuwiran at katarungan sa lupaing ito. Ito ang pangalang itatawag sa kanya, ‘Ang Panginoon ang Ating Katuwiran.’[a] At sa panahong iyon, maliligtas ang Juda at magkakaroon ng kapayapaan sa Israel.

“Sa panahong iyon, hindi na susumpa ang mga tao ng ganito, ‘Sumusumpa ako sa pangalan ng buhay na Panginoon na nagpalaya sa mga Israelita mula sa Egipto!’

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:6 Katuwiran: o, Kaligtasan; o, Tagumpay.