Add parallel Print Page Options

At (A)aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.

At ako'y maglalagay ng mga (B)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y magbabangon kay David (C)ng matuwid na Sanga, at siya'y maghahari na gaya ng (D)hari, at gagawang may kapantasan, at magsasagawa ng (E)kahatulan at kaganapan sa lupain.

Read full chapter