Font Size
Jeremias 22:17-19
Ang Biblia, 2001
Jeremias 22:17-19
Ang Biblia, 2001
17 Ngunit ang iyong mga mata at puso
ay para lamang sa iyong madayang pakinabang,
at sa pagpapadanak ng walang salang dugo,
at sa paggawa ng pang-aapi at karahasan.”
18 Kaya't(A) ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda,
“Hindi nila tataghuyan siya na sasabihin,
‘Ah, kapatid kong lalaki!’ o kaya'y, ‘Ah, kapatid na babae!’
Hindi nila tataghuyan siya na sasabihin,
‘Ah, panginoon!’ o, ‘Ah, kamahalan!’
19 Ililibing siya ng libing ng asno,
kakaladkarin at itatapon sa labas ng mga pintuan ng Jerusalem.”