Add parallel Print Page Options

Hinulaan ang Pagbagsak ng Jerusalem

21 Ngayon, nagsalita sa akin ang Panginoon nang sinugo sa akin ni Haring Zedekia si Pashur na anak ni Malkia at ang paring si Zefanias na anak ni Maaseya. Sinabi nila sa akin, “Ipakiusap mo sa Panginoon na tulungan kami, dahil sinasalakay na kami ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Baka sakaling gumawa ng himala ang Panginoon katulad ng ginawa niya noon, para mapigilan ang pagsalakay ni Nebucadnezar.”

Pero sinagot ko sila, “Sabihin nʼyo kay Zedekia na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ‘Magiging walang kabuluhan ang mga sandata na inyong ginagamit sa pakikipagdigma nʼyo kay Nebucadnezar at sa mga kawal niya[a] na nakapaligid na sa inyo. Titipunin ko sila[b] sa gitna ng lungsod na ito. Ako mismo ang makikipaglaban sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ko dahil sa matindi kong galit. Papatayin ko ang lahat ng naninirahan sa lungsod na ito, tao man o hayop. Mamamatay sila sa matinding salot. At ikaw, Haring Zedekia ng Juda, ang mga tagapamahala mo, at ang mga mamamayang natitira na hindi namatay sa salot, digmaan, o gutom ay ibibigay ko kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia na kaaway ninyo. At walang awa niya kayong papatayin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’

“Sabihin din ninyo sa mga mamamayan ng Jerusalem na ito ang ipinapasabi ng Panginoon, ‘Makinig kayo! Pumili kayo, buhay o kamatayan. Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay mamamatay sa digmaan, gutom o sakit. Pero ang mga susuko sa mga taga-Babilonia na nakapalibot sa lungsod ninyo ay mabubuhay. 10 Nakapagpasya na akong padalhan ng kapahamakan ang lungsod na ito at hindi kabutihan. Ipapasakop ko ito sa hari ng Babilonia, at susunugin niya ito. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’

11-12 “Sabihin din ninyo sa sambahayan ng hari ng Juda, na mga angkan ni David, na pakinggan ang mensaheng ito ng Panginoon: Pairalin nʼyo lagi ang katarungan. Tulungan nʼyo ang mga ninakawan; iligtas nʼyo sila sa mga umaapi sa kanila. Sapagkat kung hindi, magniningas ang galit ko na parang apoy na hindi mapapatay dahil sa masama nʼyong ginagawa. 13 Kalaban ko kayo, mga taga-Jerusalem, kayong nakatira sa matibay na lugar sa patag sa ibabaw ng bundok. Nagmamataas kayo na nagsasabi, ‘Walang makakasalakay sa atin, sa matibay na talampas na ito!’ 14 Pero parurusahan ko kayo ayon sa mga ginagawa ninyo. Susunugin ko ang inyong mga kagubatan hanggang sa ang lahat ng nakapalibot sa inyo ay matupok. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Footnotes

  1. 21:4 mga kawal niya: sa literal, mga Caldeo. Ganito rin sa talatang 9.
  2. 21:4 sila: o, ang mga sandata ninyo.

Jerusalem’s Doom Is Sealed

21 The word which came to Jeremiah from the Lord when (A)King Zedekiah sent to him (B)Pashhur the son of Melchiah, and (C)Zephaniah the son of Maaseiah, the priest, saying, (D)“Please inquire of the Lord for us, for [a]Nebuchadnezzar king of Babylon makes war against us. Perhaps the Lord will deal with us according to all His wonderful works, that the king may go away from us.”

Then Jeremiah said to them, “Thus you shall say to Zedekiah, ‘Thus says the Lord God of Israel: “Behold, I will turn back the weapons of war that are in your hands, with which you fight against the king of Babylon and the [b]Chaldeans who besiege you outside the walls; and (E)I will assemble them in the midst of this city. I (F)Myself will fight against you with an (G)outstretched hand and with a strong arm, even in anger and fury and great wrath. I will strike the inhabitants of this city, both man and beast; they shall die of a great pestilence. And afterward,” says the Lord, (H)“I will deliver Zedekiah king of Judah, his servants and the people, and such as are left in this city from the pestilence and the sword and the famine, into the hand of Nebuchadnezzar king of Babylon, into the hand of their enemies, and into the hand of those who seek their life; and he shall strike them with the edge of the sword. (I)He shall not spare them, or have pity or mercy.” ’

“Now you shall say to this people, ‘Thus says the Lord: “Behold, (J)I set before you the way of life and the way of death. He who (K)remains in this city shall die by the sword, by famine, and by pestilence; but he who goes out and [c]defects to the Chaldeans who besiege you, he shall (L)live, and his life shall be as a prize to him. 10 For I have (M)set My face against this city for adversity and not for good,” says the Lord. (N)“It shall be given into the hand of the king of Babylon, and he shall (O)burn it with fire.” ’

Message to the House of David

11 “And concerning the house of the king of Judah, say, ‘Hear the word of the Lord, 12 O house of David! Thus says the Lord:

(P)“Execute[d] judgment (Q)in the morning;
And deliver him who is plundered
Out of the hand of the oppressor,
Lest My fury go forth like fire
And burn so that no one can quench it,
Because of the evil of your doings.

13 “Behold, (R)I am against you, O [e]inhabitant of the valley,
And rock of the plain,” says the Lord,
“Who say, (S)‘Who shall come down against us?
Or who shall enter our dwellings?’
14 But I will punish you according to the (T)fruit of your [f]doings,” says the Lord;
“I will kindle a fire in its forest,
And (U)it shall devour all things around it.” ’ ”

Footnotes

  1. Jeremiah 21:2 Heb. Nebuchadrezzar, and so elsewhere in the book
  2. Jeremiah 21:4 Or Babylonians, and so elsewhere in the book
  3. Jeremiah 21:9 Lit. falls away to
  4. Jeremiah 21:12 Dispense justice
  5. Jeremiah 21:13 dweller
  6. Jeremiah 21:14 deeds