Add parallel Print Page Options

“Ipakiusap mo sa Panginoon na tulungan kami, dahil sinasalakay na kami ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Baka sakaling gumawa ng himala ang Panginoon katulad ng ginawa niya noon, para mapigilan ang pagsalakay ni Nebucadnezar.”

Pero sinagot ko sila, “Sabihin nʼyo kay Zedekia na ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ‘Magiging walang kabuluhan ang mga sandata na inyong ginagamit sa pakikipagdigma nʼyo kay Nebucadnezar at sa mga kawal niya[a] na nakapaligid na sa inyo. Titipunin ko sila[b] sa gitna ng lungsod na ito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:4 mga kawal niya: sa literal, mga Caldeo. Ganito rin sa talatang 9.
  2. 21:4 sila: o, ang mga sandata ninyo.