Add parallel Print Page Options

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng iyong kabataan, ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, sa lupain na hindi hinasikan.

Ang Israel ay kabanalan sa Panginoon, na mga pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:

Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?

At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.

Kaya't ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.

10 Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.

11 Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.

12 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; kanilang iniwan ako na bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.

14 Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam.

15 Ang mga batang leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan.

16 Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.

17 Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?

18 At ngayo'y anong ipakikialam mo sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig sa ilog?

19 Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

20 Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na nagpatutot.

21 Gayon ma'y tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

22 Sapagka't bagaman maghugas ka ng lihiya, at magbunton ka ng maraming sabon, gayon ma'y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan, sabi ng Panginoong Dios.

23 Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;

24 Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya.

25 Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.

26 Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,

27 Na nangagsasabi sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami.

28 Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.

29 Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.

30 Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon.

31 Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo?

32 Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang.

33 Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad.

34 Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito.

35 Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.

36 Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.

37 Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila.

Ang Pag-aaruga ng Diyos sa Israel

Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

“Humayo ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon:

Naaalala ko ang katapatan ng iyong kabataan,
    ang iyong pag-ibig bilang babaing ikakasal,
kung paanong sumunod ka sa akin sa ilang,
    sa lupaing hindi hinasikan.
Ang Israel ay banal sa Panginoon,
    ang unang bunga ng kanyang ani.
Lahat ng nagsikain nito ay nagkasala,
    ang kasamaan ay dumating sa kanila, sabi ng Panginoon.”

Pakinggan mo ang salita ng Panginoon, O sambahayan ni Jacob, at lahat ng mga angkan ng sambahayan ng Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon:

“Anong kamalian ang natagpuan sa akin ng inyong mga magulang
    upang ako'y kanilang layuan,
at sumunod sa kawalang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?
Hindi nila sinabi, ‘Nasaan ang Panginoon
    na nag-ahon sa atin mula sa lupain ng Ehipto,
na pumatnubay sa atin sa ilang,
    sa lupain ng mga disyerto at mga hukay,
sa lupain ng tagtuyot at malalim na kadiliman,
    sa lupaing hindi dinaanan ng sinuman
    at walang taong nanirahan?’
At dinala ko kayo sa masaganang lupain,
    upang sa mga bunga ng mabubuting bagay nito kayo ay kumain.
Ngunit nang kayo'y pumasok ang lupain ko'y inyong dinungisan,
    at ang aking pamana ay ginawa ninyong karumaldumal.
Hindi sinabi ng mga pari, ‘Nasaan ang Panginoon?’
    Silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin;
ang mga pinuno[a] ay sumuway sa akin,
    at ang mga propeta ay nagsalita ng propesiya sa pamamagitan ni Baal,
    at nagsisunod sa mga bagay na walang pakinabang.
“Kaya't makikipagtalo pa rin ako sa inyo, sabi ng Panginoon,
    at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.
10 Sapagkat tumawid kayo sa mga baybayin ng Kittim,[b] at inyong tingnan,
    at magsugo kayo sa Kedar, at magsuring mainam;
    at inyong tingnan kung may nangyari nang ganitong bagay.
11 Nagpalit ba ang isang bansa ng mga diyos,
    bagaman sila'y hindi mga diyos?
Ngunit ipinagpalit ng bayan ko ang kanilang kaluwalhatian
    sa hindi pinakikinabangan.
12 Magtaka kayo, O mga langit, sa bagay na ito,
    at magulat kayo, mawasak kayong lubos, sabi ng Panginoon.
13 Sapagkat ang bayan ko ay gumawa ng dalawang kasamaan:
    tinalikuran nila ako,
ang bukal ng mga tubig na buháy,
    at gumawa para sa kanila ng mga tipunan ng tubig
na mga sirang tipunan
    na hindi malagyan ng tubig.

Mga Bunga ng Kataksilan ng Israel

14 “Ang Israel ba'y alipin? Siya ba'y aliping ipinanganak sa bahay?
    Bakit nga siya'y naging hayop na nasila?
15 Ang mga batang leon ay nagsiungal laban sa kanya,
    at sila'y malakas na nagsiungal.
Winasak nila ang kanyang lupain;
    ang kanyang mga lunsod ay guho, walang naninirahan.
16 Bukod dito'y binasag[c] ng mga anak ng Memfis at ng Tafnes
    ang bao ng iyong ulo.
17 Hindi ba ikaw na rin ang nagdala nito sa iyong sarili,
    dahil sa iyong pagtalikod sa Panginoon mong Diyos,
    nang kanyang patnubayan ka sa daan?
18 At ano ngayon ang napala mo sa pagpunta sa Ehipto,
    upang uminom ng tubig ng Nilo?
O anong napala mo sa pagpunta sa Asiria,
    upang uminom ng tubig ng Eufrates?
19 Parurusahan ka ng iyong sariling kasamaan,
    at ang iyong pagtalikod ang sa iyo'y sasaway.
Alamin mo at iyong tingnan na masama at mapait
    na iyong talikuran ang Panginoon mong Diyos,
    at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoong Diyos ng mga hukbo.

Tumanggi ang Israel na Sambahin ang Diyos

20 “Sapagkat matagal nang panahong binasag ko ang iyong pamatok
    at ang mga gapos mo'y nilagot;
    ngunit iyong sinabi, ‘Hindi ako maglilingkod.’
Sapagkat sa bawat mataas na burol
    at sa lilim ng bawat luntiang punungkahoy
    ay yumuko kang tulad sa mahalay na babae.[d]
21 Gayunma'y itinanim kita na isang piling puno ng ubas,
    na pawang dalisay na binhi.
Bakit nga naging bansot ka
    at naging ligaw na ubas?
22 Kahit maligo ka ng lihiya,
    at gumamit ng maraming sabon,
    ang mantsa ng iyong pagkakasala ay nasa harapan ko pa rin, sabi ng Panginoong Diyos.
23 Paano mo nasasabi, ‘Hindi ako nadungisan,
    hindi ako sumunod sa mga Baal’?
Tingnan mo ang iyong daan sa libis!
    Alamin mo kung ano ang iyong ginawa!
Ikaw ay isang matuling batang kamelyo na pinagsala-salabat ang kanyang mga daan,
24     isang mailap na asno na sanay sa ilang,
na sa kanyang init ay sinisinghot ang hangin!
    Sinong makakapigil sa kanyang pagnanasa?
Hindi na mapapagod pa ang mga nagsisihanap sa kanya;
    sa kanyang kabuwanan ay kanilang matatagpuan siya.
25 Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang panyapak,
    at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw.
Ngunit iyong sinabi, ‘Walang pag-asa,
    sapagkat ako'y umibig sa mga dayuhan,
    at ako'y susunod sa kanila!’

26 “Kung paanong ang isang magnanakaw ay napapahiya kapag nahuhuli,
    gayon mapapahiya ang sambahayan ni Israel;
sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga pinuno,
    ang kanilang mga pari, at ang kanilang mga propeta,
27 na nagsasabi sa punungkahoy, ‘Ikaw ay aking ama;’
    at sa bato, ‘Ipinanganak mo ako.’
Sapagkat sila'y tumalikod sa akin,
    at hindi ang kanilang mukha.
Ngunit sa panahon ng kanilang kaguluhan ay sinasabi nila,
    ‘Bumangon ka at iligtas mo kami!’
28 Ngunit nasaan ang iyong mga diyos
    na ginawa mo para sa iyo?
Hayaan mo silang magsibangon, kung maililigtas nila kayo
    sa panahon ng iyong kaguluhan,
sapagkat kung gaano karami ang iyong mga bayan
    ay gayon ang iyong mga diyos, O Juda.

29 “Bakit kayo nagrereklamo laban sa akin?
Kayong lahat ay naghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.
30 Sa walang kabuluhan ang mga anak ninyo'y aking sinaktan;
    sila'y hindi tumanggap ng saway.
Nilamon ng inyong sariling tabak ang inyong mga propeta,
    na gaya ng leong mapamuksa.
31 At ikaw, O salinlahi, dinggin ninyo ang salita ng Panginoon.
Ako ba'y naging lupang ilang sa Israel,
    o isang lupain ng makapal na kadiliman?
Bakit sinasabi ng aking bayan, ‘Kami ay malaya,
    hindi na kami lalapit pa sa iyo’?
32 Malilimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga hiyas,
    o ng isang ikakasal na babae ang kanyang kasuotan?
Gayunma'y kinalimutan ako ng aking bayan
    sa di mabilang na mga araw.

33 “Kay galing mong pinamahalaan ang iyong lakad
    upang humanap ng mga mangingibig!
Anupa't maging sa masasamang babae
    ay itinuro mo ang iyong mga lakad.
34 Sa iyong mga palda ay natagpuan din
    ang dugong ikinabubuhay ng mga dukhang walang sala;
hindi mo sila natagpuan na sapilitang pumapasok.
    Gayunman, sa kabila ng lahat ng mga ito
35 ay sinasabi mo, ‘Ako'y walang sala;
    tunay na ang kanyang galit sa akin ay lumayo na.’
Narito, sa kahatulan ay dadalhin kita,
    sapagkat iyong sinabi, ‘Hindi ako nagkasala.’
36 Kay dali mong magpagala-gala
    na binabago mo ang iyong lakad!
Ilalagay ka sa kahihiyan ng Ehipto
    na gaya ng panghihiya sa iyo ng Asiria.
37 Mula doon ay lalabas ka rin
    na ang iyong mga kamay ay nakapatong sa iyong ulo,
sapagkat itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan,
    at sa pamamagitan nila'y hindi ka magtatagumpay.

Footnotes

  1. Jeremias 2:8 o mga pastol .
  2. Jeremias 2:10 o Cyprus .
  3. Jeremias 2:16 o inahitan .
  4. Jeremias 2:20 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .

Moreover the word of the Lord came to me, saying,

Go and cry in the ears of Jerusalem, saying, Thus saith the Lord; I remember thee, the kindness of thy youth, the love of thine espousals, when thou wentest after me in the wilderness, in a land that was not sown.

Israel was holiness unto the Lord, and the firstfruits of his increase: all that devour him shall offend; evil shall come upon them, saith the Lord.

Hear ye the word of the Lord, O house of Jacob, and all the families of the house of Israel:

Thus saith the Lord, What iniquity have your fathers found in me, that they are gone far from me, and have walked after vanity, and are become vain?

Neither said they, Where is the Lord that brought us up out of the land of Egypt, that led us through the wilderness, through a land of deserts and of pits, through a land of drought, and of the shadow of death, through a land that no man passed through, and where no man dwelt?

And I brought you into a plentiful country, to eat the fruit thereof and the goodness thereof; but when ye entered, ye defiled my land, and made mine heritage an abomination.

The priests said not, Where is the Lord? and they that handle the law knew me not: the pastors also transgressed against me, and the prophets prophesied by Baal, and walked after things that do not profit.

Wherefore I will yet plead with you, saith the Lord, and with your children's children will I plead.

10 For pass over the isles of Chittim, and see; and send unto Kedar, and consider diligently, and see if there be such a thing.

11 Hath a nation changed their gods, which are yet no gods? but my people have changed their glory for that which doth not profit.

12 Be astonished, O ye heavens, at this, and be horribly afraid, be ye very desolate, saith the Lord.

13 For my people have committed two evils; they have forsaken me the fountain of living waters, and hewed them out cisterns, broken cisterns, that can hold no water.

14 Is Israel a servant? is he a homeborn slave? why is he spoiled?

15 The young lions roared upon him, and yelled, and they made his land waste: his cities are burned without inhabitant.

16 Also the children of Noph and Tahapanes have broken the crown of thy head.

17 Hast thou not procured this unto thyself, in that thou hast forsaken the Lord thy God, when he led thee by the way?

18 And now what hast thou to do in the way of Egypt, to drink the waters of Sihor? or what hast thou to do in the way of Assyria, to drink the waters of the river?

19 Thine own wickedness shall correct thee, and thy backslidings shall reprove thee: know therefore and see that it is an evil thing and bitter, that thou hast forsaken the Lord thy God, and that my fear is not in thee, saith the Lord God of hosts.

20 For of old time I have broken thy yoke, and burst thy bands; and thou saidst, I will not transgress; when upon every high hill and under every green tree thou wanderest, playing the harlot.

21 Yet I had planted thee a noble vine, wholly a right seed: how then art thou turned into the degenerate plant of a strange vine unto me?

22 For though thou wash thee with nitre, and take thee much soap, yet thine iniquity is marked before me, saith the Lord God.

23 How canst thou say, I am not polluted, I have not gone after Baalim? see thy way in the valley, know what thou hast done: thou art a swift dromedary traversing her ways;

24 A wild ass used to the wilderness, that snuffeth up the wind at her pleasure; in her occasion who can turn her away? all they that seek her will not weary themselves; in her month they shall find her.

25 Withhold thy foot from being unshod, and thy throat from thirst: but thou saidst, There is no hope: no; for I have loved strangers, and after them will I go.

26 As the thief is ashamed when he is found, so is the house of Israel ashamed; they, their kings, their princes, and their priests, and their prophets.

27 Saying to a stock, Thou art my father; and to a stone, Thou hast brought me forth: for they have turned their back unto me, and not their face: but in the time of their trouble they will say, Arise, and save us.

28 But where are thy gods that thou hast made thee? let them arise, if they can save thee in the time of thy trouble: for according to the number of thy cities are thy gods, O Judah.

29 Wherefore will ye plead with me? ye all have transgressed against me, saith the Lord.

30 In vain have I smitten your children; they received no correction: your own sword hath devoured your prophets, like a destroying lion.

31 O generation, see ye the word of the Lord. Have I been a wilderness unto Israel? a land of darkness? wherefore say my people, We are lords; we will come no more unto thee?

32 Can a maid forget her ornaments, or a bride her attire? yet my people have forgotten me days without number.

33 Why trimmest thou thy way to seek love? therefore hast thou also taught the wicked ones thy ways.

34 Also in thy skirts is found the blood of the souls of the poor innocents: I have not found it by secret search, but upon all these.

35 Yet thou sayest, Because I am innocent, surely his anger shall turn from me. Behold, I will plead with thee, because thou sayest, I have not sinned.

36 Why gaddest thou about so much to change thy way? thou also shalt be ashamed of Egypt, as thou wast ashamed of Assyria.

37 Yea, thou shalt go forth from him, and thine hands upon thine head: for the Lord hath rejected thy confidences, and thou shalt not prosper in them.