Add parallel Print Page Options

24 Tulad mo'y babaing asno na masidhi ang pagnanasa;
    walang makapigil kapag ito'y nag-iinit.
Hindi na dapat mag-alala ang lalaking asno;
    ika'y nakahanda sa lahat ng oras.
25 Israel, huwag mong bayaan na ika'y magyapak
    o matuyo ang lalamunan at mamalat.
Ngunit ang tugon mo, ‘Ano pa ang kabuluhan?
    Mahal ko ang ibang mga diyos,
    at sila ang aking sasambahin at paglilingkuran.’

Nararapat Parusahan ang Israel

26 “Tulad ng magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, kayong lahat na sambahayan ni Israel ay mapapahiyang gaya niya; ang inyong mga hari at mga pinuno, mga pari at mga propeta.

Read full chapter