Add parallel Print Page Options

19 Parurusahan ka ng iyong sariling kasamaan,
    at ang iyong pagtalikod ang sa iyo'y sasaway.
Alamin mo at iyong tingnan na masama at mapait
    na iyong talikuran ang Panginoon mong Diyos,
    at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoong Diyos ng mga hukbo.

Tumanggi ang Israel na Sambahin ang Diyos

20 “Sapagkat matagal nang panahong binasag ko ang iyong pamatok
    at ang mga gapos mo'y nilagot;
    ngunit iyong sinabi, ‘Hindi ako maglilingkod.’
Sapagkat sa bawat mataas na burol
    at sa lilim ng bawat luntiang punungkahoy
    ay yumuko kang tulad sa mahalay na babae.[a]
21 Gayunma'y itinanim kita na isang piling puno ng ubas,
    na pawang dalisay na binhi.
Bakit nga naging bansot ka
    at naging ligaw na ubas?

Read full chapter

Footnotes

  1. Jeremias 2:20 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .