Add parallel Print Page Options

Ang Basag na Banga

19 Inutusan ako ni Yahweh na bumili ng isang banga. Pagkatapos, inutusan rin niya akong tumawag ng ilang matatandang pinuno sa bayan at ng ilang nakatatandang pari, at(A) isama sila sa Libis ng Ben Hinom, sa makalabas ng Pintuan ng Magpapalayok. Doon ko ipahahayag ang mensaheng ibibigay niya sa akin. Ganito ang sabi niya: “Pakinggan ninyo, mga hari ng Juda at mga taga-Jerusalem, ang sinasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: Ang pook na ito'y padadalhan ko ng malagim na kapahamakan, at mangingilabot ang sinumang makakabalita niyon. Ganyan ang gagawin ko sapagkat ako'y itinakwil ng bayang ito, at pinarumi nila ang lupain dahil naghandog sila sa mga diyus-diyosang hindi naman nila nakikilala maging ng kanilang mga ninuno at ng mga hari ng Juda. Ang lupaing ito'y tinigmak nila ng dugo ng mga taong walang kasalanan. Nagtayo(B) sila ng mga altar para kay Baal upang doon sunugin ang kanilang mga anak bilang handog sa kanya. Kailanma'y hindi ko iniutos o inisip man lamang na gawin nila ito. Kaya darating ang panahon na hindi na tatawaging Tofet o Libis ng Ben Hinom ang lugar na ito. Sa halip ay tatawagin itong Libis ng Kamatayan. Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito. Sa pook na ito'y bibiguin ko ang lahat ng panukala ng mga taga-Juda at Jerusalem. Ipapalupig ko sila sa kanilang mga kaaway, at marami ang mamamatay sa labanan. Ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga buwitre at mga hayop sa gubat. Nakakapangilabot na pagkawasak ang magaganap sa lunsod na ito, at ang bawat maparaan dito'y manghihilakbot. Kukubkubin ng mga kaaway ang lunsod na ito upang ang mga nanirahan dito'y patayin sa gutom. At dahil sa matinding gutom ng mga tao, kakanin nila ang laman ng kanilang kapwa, at pati na ng kanilang sariling mga anak.”

10 Pagkatapos, iniutos sa akin ni Yahweh na basagin ang banga sa harap ng mga isinama ko, 11 at sabihin sa kanila: “Ganito ang ipinapasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat: Dudurugin ko ang lunsod na ito at ang mga naninirahan dito, gaya ng ginawa mo sa banga; ito'y hindi na muling mabubuo. Pati ang Tofet ay paglilibingan ng mga bangkay sapagkat wala nang ibang mapaglilibingan sa kanila. 12 Ganito ang gagawin ko sa lunsod na ito at sa mga naninirahan dito. Matutulad sila sa Tofet. Akong si Yahweh ang nagsabi nito. 13 Magiging maruming gaya ng Tofet ang mga bahay sa Jerusalem, ang mga palasyo ng mga hari sa Juda, at lahat ng gusali, sapagkat sa mga bubungan ng mga gusaling ito'y nagsunog sila ng kamanyang para sa mga bituin at nagbuhos ng inuming handog sa ibang mga diyos.”

14 Nilisan ko ang Tofet pagkatapos kong sabihin doon ang pahayag ni Yahweh. Pumunta naman ako at tumayo sa bulwagan ng Templo at sinabi sa lahat ng naroroon, 15 “Ito ang ipinapasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel: Ipapataw ko na sa lunsod na ito at sa mga karatig-bayan ang lahat ng parusang binanggit ko, sapagkat matitigas ang ulo ninyo at ayaw ninyong pakinggan ang aking sinasabi.”

19 This is what the Lord says: “Go and buy a clay jar from a potter.(A) Take along some of the elders(B) of the people and of the priests and go out to the Valley of Ben Hinnom,(C) near the entrance of the Potsherd Gate. There proclaim the words I tell you, and say, ‘Hear the word of the Lord, you kings(D) of Judah and people of Jerusalem. This is what the Lord Almighty, the God of Israel, says: Listen! I am going to bring a disaster(E) on this place that will make the ears of everyone who hears of it tingle.(F) For they have forsaken(G) me and made this a place of foreign gods(H); they have burned incense(I) in it to gods that neither they nor their ancestors nor the kings of Judah ever knew, and they have filled this place with the blood of the innocent.(J) They have built the high places of Baal to burn their children(K) in the fire as offerings to Baal—something I did not command or mention, nor did it enter my mind.(L) So beware, the days are coming, declares the Lord, when people will no longer call this place Topheth(M) or the Valley of Ben Hinnom,(N) but the Valley of Slaughter.(O)

“‘In this place I will ruin[a] the plans(P) of Judah and Jerusalem. I will make them fall by the sword before their enemies,(Q) at the hands of those who want to kill them, and I will give their carcasses(R) as food(S) to the birds and the wild animals. I will devastate this city and make it an object of horror and scorn;(T) all who pass by will be appalled(U) and will scoff because of all its wounds.(V) I will make them eat(W) the flesh of their sons and daughters, and they will eat one another’s flesh because their enemies(X) will press the siege so hard against them to destroy them.’

10 “Then break the jar(Y) while those who go with you are watching, 11 and say to them, ‘This is what the Lord Almighty says: I will smash(Z) this nation and this city just as this potter’s jar is smashed and cannot be repaired. They will bury(AA) the dead in Topheth until there is no more room. 12 This is what I will do to this place and to those who live here, declares the Lord. I will make this city like Topheth. 13 The houses(AB) in Jerusalem and those of the kings of Judah will be defiled(AC) like this place, Topheth—all the houses where they burned incense on the roofs(AD) to all the starry hosts(AE) and poured out drink offerings(AF) to other gods.’”

14 Jeremiah then returned from Topheth, where the Lord had sent him to prophesy, and stood in the court(AG) of the Lord’s temple and said to all the people, 15 “This is what the Lord Almighty, the God of Israel, says: ‘Listen! I am going to bring on this city and all the villages around it every disaster(AH) I pronounced against them, because they were stiff-necked(AI) and would not listen(AJ) to my words.’”

Footnotes

  1. Jeremiah 19:7 The Hebrew for ruin sounds like the Hebrew for jar (see verses 1 and 10).