Add parallel Print Page Options

Kapahamakan para sa mga Taga-Juda

15 Pagkatapos(A) ay sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na sina Moises at Samuel ang makiusap sa harapan ko, hindi ko kahahabagan kahit kaunti ang mga taong ito. Paalisin mo sila; ayoko na silang makita. Kapag(B) itinanong nila sa iyo kung saan sila pupunta, sabihin mong itinakda na ang kanilang hantungan:

Ang iba sa kanila'y mamamatay sa sakit.
Masasawi naman sa digmaan ang iba.
Ang iba'y sa matinding gutom.
At bibihagin ng mga kaaway ang iba pa!

Apat na nakakapangilabot na parusa ang ipinasiya kong ipadala sa kanila: Sila'y mamamatay sa digmaan; lalapain ng mga aso ang kanilang mga bangkay; kakainin ng mga buwitre ang kanilang laman; at sisimutin ng mababangis na hayop ang anumang matitira.

Read full chapter