Add parallel Print Page Options

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga lalake ng Anathoth na (A)nagsisiusig ng iyong buhay, na nangagsasabi, Ikaw ay (B)huwag manghuhula sa pangalan ng Panginoon, (C)upang huwag kang mamatay sa aming kamay;

22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking parurusahan sila: ang mga binata ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga anak na lalake at babae ay mangamamatay dahil sa gutom;

23 At hindi magkakaroon ng nalabi sa kanila: sapagka't (D)ako'y magdadala ng kasamaan sa mga lalake ng Anathoth, sa makatuwid baga'y sa (E)taon ng pagdalaw sa kanila.

Read full chapter