Jeremias 7:31
Ang Biblia (1978)
31 At kanilang itinayo (A)ang mga mataas na dako ng Topheth, na nasa (B)libis ng anak ni Hinnom, (C)upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy; na hindi ko iniuutos, o pumasok man sa aking pagiisip.
Read full chapter
Ezekiel 20:26
Ang Biblia (1978)
26 At ipinariwara ko sila sa kanilang sariling mga kaloob, sa kanilang (A)pagpaparaan sa apoy ng lahat na nangagbubukas ng bahay-bata, upang aking ipahamak sila, (B)upang kanilang maalaman na ako ang Panginoon.
Read full chapter
Ezekiel 20:31
Ang Biblia (1978)
31 At pagka inyong (A)inihahandog ang inyong mga kaloob, pagka, inyong pinararaan sa apoy ang inyong mga anak, nangagpapakarumi baga kayo sa lahat ninyong diosdiosan hanggang sa araw na ito? at ako baga'y mapagsasanggunian ninyo, Oh sangbahayan ni Israel? (B)Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi ninyo ako mapagsasanggunian;
Read full chapter
Ezekiel 23:37
Ang Biblia (1978)
37 Sapagka't sila'y nagkasala ng pangangalunya, at (A)dugo ay nasa kanilang mga kamay; at sa kanilang mga diosdiosan ay nagsisamba; at kanila namang (B)pinaraan sa apoy upang masupok ang kanilang mga anak, na kanilang ipinanganak sa akin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978