Add parallel Print Page Options

22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (A)ang isang bayan ay nagmumula (B)sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa (C)ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.

23 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.

24 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay (D)humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

Read full chapter

14 Sapagka't (A)maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.

Read full chapter

27 Mangagtaas kayo ng watawat sa lupain, (A)inyong hipan ang pakakak sa gitna ng mga bansa, magsihanda ang mga bansa laban sa kaniya, pisanin laban sa kaniya ang mga (B)kaharian ng Ararat, ng Minmi, at ng Aschenaz: mangaghalal ng puno (C)laban sa kaniya; pasampahin ang mga kabayo ng parang mga uod.

Read full chapter