Add parallel Print Page Options

Ang bagong tipan ay gagawin.

31 Narito, (A)ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda:

32 Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na (B)aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman (C)ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon.

33 (D)Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, (E)Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;

Read full chapter

Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya,

(A)Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon,
Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang
Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto;
Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan,
At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel
Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon;
(B)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip,
At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito.
At ako'y magiging Dios nila,
At sila'y magiging bayan ko:

Read full chapter