Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
One verse. Every morning. Get the free Verse of the Day email.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Verse of the Day by email. Sign up free.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG2001
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG2001
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Jeremias 20  Ang Biblia, 2001

Ang Pakikipagtalo ni Jeremias kay Pashur

20 Napakinggan ni Pashur na anak ni Imer na pari, na punong-tagapangasiwa sa bahay ng Panginoon, si Jeremias na nagsasalita ng propesiya tungkol sa mga bagay na ito.

2 Nang magkagayo'y sinaktan ni Pashur si Jeremias na propeta, at ginapos sa tanikala sa mas mataas na pintuan ng Benjamin sa bahay ng Panginoon.

3 Kinabukasan, nang mapalaya na ni Pashur si Jeremias mula sa mga tanikala, sinabi ni Jeremias sa kanya, “Hindi ka tinatawag ng Panginoon sa pangalang Pashur, kundi Magor-missabib.[a]

4 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, gagawin kitang kilabot sa iyong sarili at sa iyong mga kaibigan. Sila'y mabubuwal sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway habang ikaw ay nakatingin. At ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Kanyang dadalhin sila bilang mga bihag sa Babilonia, at papatayin sila ng tabak.

5 Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat ng kayamanan ng lunsod na ito, lahat ng kinita nito, lahat ng mahahalagang ari-arian nito, at ang lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda sa kamay ng kanilang mga kaaway na mananamsam sa kanila na huhuli at magdadala sa kanila sa Babilonia.

6 At ikaw, Pashur, at ang lahat ng nakatira sa iyong bahay ay pupunta sa pagkabihag. Pupunta ka sa Babilonia at doon ka mamamatay, at doon ka ililibing, ikaw at ang lahat mong mga kaibigan na iyong pinagpahayagan ng kasinungalingan.”

7 O Panginoon, dinaya[b] mo ako,
    at ako'y nadaya;[c]
mas malakas ka kaysa akin,
    at nanaig ka.
Ako'y nagiging katatawanan buong araw,
    tinutuya ako ng bawat isa.
8 Sapagkat tuwing ako'y magsasalita, sumisigaw ako,
    isinisigaw ko, “Karahasan at pagkawasak!”
Sapagkat ang salita ng Panginoon ay naging pagkutya at kadustaan sa akin sa bawat araw.
9 At kung aking sasabihin, “Hindi ko na siya babanggitin,
    o magsasalita pa sa kanyang pangalan,”
waring sa aking puso ay may nag-aalab na apoy
    na nakakulong sa aking mga buto,
at ako'y pagod na sa kapipigil dito,
    at hindi ko makaya.
10 Sapagkat narinig ko ang marami na bumubulong.
    Ang kilabot ay nasa lahat ng panig!
“Batikusin natin siya. Batikusin natin siya!”
    Ang wika ng lahat kong mga kaibigan,
    na nagmamatyag sa aking pagbagsak.
“Marahil siya'y madadaya,
    kung magkagayo'y madadaig natin siya,
    at tayo'y makakaganti sa kanya.”
11 Ngunit ang Panginoon ay kasama ko na gaya ng isang kinatatakutang mandirigma;
    kaya't ang mga umuusig sa akin ay matitisod,
    hindi nila ako madadaig.
Sila'y lubhang mapapahiya,
    sapagkat sila'y hindi magtatagumpay.
Ang kanilang walang hanggang kahihiyan
    ay hindi malilimutan.
12 O Panginoon ng mga hukbo, na sumusubok sa matuwid,
    na nakakakita ng puso at pag-iisip,
ipakita mo sa akin ang iyong paghihiganti sa kanila;
    sapagkat sa iyo ay itinalaga ko ang aking ipinaglalaban.

13 Magsiawit kayo sa Panginoon,
    purihin ninyo ang Panginoon!
Sapagkat kanyang iniligtas ang kaluluwa ng nangangailangan
    mula sa kamay ng mga manggagawa ng kasamaan.

14 Sumpain(A) ang araw
    na ako'y ipinanganak!
Ang araw na ako'y isinilang ng aking ina,
    huwag nawa itong basbasan!
15 Sumpain ang tao
    na nagdala ng balita sa aking ama,
“Isang lalaki ang ipinanganak sa iyo,”
    na kanyang ikinagalak.
16 Ang lalaki nawang iyon ay maging gaya ng mga lunsod
    na walang awang giniba ng Panginoon,
at makarinig nawa siya ng daing sa umaga,
    at babala sa katanghaliang-tapat;
17 sapagkat hindi niya ako pinatay sa sinapupunan;
    at sa gayo'y naging libingan ko sana ang aking ina,
    at ang kanyang sinapupunan, ay naging dakila magpakailanman.
18 Bakit ako'y lumabas pa sa sinapupunan
    upang makakita ng hirap at kalungkutan,
    at gugulin ang aking mga araw sa kahihiyan?

Footnotes

  1. Jeremias 20:3 o Kilabot sa bawat panig .
  2. Jeremias 20:7 o hinikayat .
  3. Jeremias 20:7 o nahikayat .

Cross references

  1. 20:14-18 : Job 3:1-19
Next
Jeremias 19
Jeremias 21
Next
dropdown
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway