Add parallel Print Page Options

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan, o pumaroon man upang tumaghoy, o manangis man sa mga yaon; sapagka't aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito, sabi ng Panginoon, ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan.

Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito; (B)sila'y hindi mangalilibing, o tataghuyan man sila ng mga tao, (C)o magkukudlit man (D)o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila;

O magpuputol man ng tinapay ang mga tao, sa kanila na nananangis, upang aliwin sila dahil sa namatay; hindi man sila paiinumin sa saro ng kaaliwan ng dahil sa kanilang ama o dahil sa kanilang ina.

Read full chapter